Una sa Balita

Zambo mayor may warning sa ‘Pokemon Go’

By
0 5

ZAMBOANGA CITY — Nagpaalala kahapon si Zamboanga City Mayor Beng Climaco sa lahat ng mga Pokemon Go players na nahuhu­maling sa nasabing virtual­ reality game na mag-ingat sa kanilang aktibidad dito upang maiwasan ang peligro.

Sa pahayag ng City Hall, nanawagan si Mayor Beng Climaco sa mga manlalaro na mag-ingat at huwag papasok sa mga madidilim at pribadong lugar sa paghahanap ng Pokemon.

“Please prioritize your safety above all else – avoid playing the game while driving or crossing the streets and do not trespass on other people’s properties. Do not venture in dark and secluded pla­ces to catch the rare Pokemon.”

“Be wary of lures as these may be used by unscrupulous individuals to take advantage of players,” dagdag pa nito.

Nanawagan pa ito sa mga manlalaro na respetuhin ang mga simbahan, mosque at iba pang mga pampublikong lugar at sa huli ay sinabi ni Climaco na: “Be safe, have fun and happy hunting.”