Una sa Balita

Zambales muling niyanig ng lindol

0 234

NABAHALA ang mga residente ng Luzon matapos ang mu­ling maramdaman ang Magnitude 4.5 na lindol sa Zambales, Miyerkoles nang mada­ling-araw.

Ayon sa dato­s ng Philippine Institute of Volcanolo­gy and Seismolo­gy (Phivolcs), bandang alas-2:02 nang madaling-araw naganap ang lindol, na ang episentro ay sa Castillejos, Zambales.

Naramdaman ang Intensity III San Ildefonso, Bulacan, Olongapo, Zambales at Guagua, Pampanga.

Dahil sa sunod-sunod na aftershock na naramdaman sa lugar, sinuspinde kahapon ang search and rescue operation sa gumuhong Chuzon supermarket sa Porac, Pampanga sa magdamag.

“Pina-stop namin para sa safety ng mga rescuer natin, alam naman natin kahit nagre-rescue tayo, baka naman ‘yung mga rescuer natin ‘yung malagay sa hindi maayos na kalagayan,” saad ni Porac, Pampanga Mayor Condralito dela Cruz sa isang panayam.

Sa ulat, siyam na bangkay na ang nakuha sa gumuhong supermarket matapos ang 6.1 magnitude na lindol na tumama sa mala­king parte ng Luzon at Metro Manila noong Lunes ng hapon.

Saad pa ni Dela Cruz na ipagpapatuloy ang rescue operation kapag naayos na ang mga kagamitan para pang-angat sa mga mabibigat na bagay na gumuho.

Sa huling ulat, wala nang nakikitang senyales na mayroon pang buhay sa gumuhong supermarket at wala na rin uma­nong naghahanp ng na­­wa­walang kaanak, pero magpapatuloy pa umano ang operasyon para sa pagha­hanap ng posibleng na-trap pa sa loob nito. (Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy