Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Zaijian, Elijah bitbit bandera ng Pinas sa ‘Almost Paradise’

0 88

Dumagdag na ang Kapamilya teen star na si Zaijian Jaranilla sa mga Pilipinong artista na umeksena sa American crime drama series na “Almost Paradise.”

Kasama si Zaijian sa episode ngayong Linggo (Mayo 9) na mapapanood ng 8:45 pm sa Kapamilya Channel at A2Z, at may streaming sa iWantTFC at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube para sa mga nasa Pilipinas.

Sa inilabas na teaser sa social media, makikita si Zaijian kasama ang beteranong aktor na si Art Acuña, na gumaganap bilang Detective Ernesto Alamares sa programang handog ng Electric Entertainment at ABS-CBN.

Magsisilbing bodyguard ang dating secret agent na si Alex Walker (Christian Kane) para sa sikat na country singer na si August Crowe na nasa Cebu para sa concert. Mula pagiging fan, unti-unting nauubos ang repseto ni Alex sa idolo nang makita kung paano ito sa pribado niyang buhay. Gayunpaman, ang banta mula sa mga matinik na kidnapper ang magiging dahilan para maging malapit sila sa isa’t isa.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gaganap bilang August ang aktor na si Billy Ray Gallion, na napanood sa mga palabas na “Brooklyn Nine-Nine” at “Lost” sa Amerika at nakaarte na kasama ng mga Pilipino sa “Quezon’s Game” at “Ang Babae Sa Septic Tank 3.”

Sa huling tatlong episode ng “Almost Paradise,” patuloy nitong ibibida ang talento ng mga Piilipino sa pangunguna ng main Filipino cast na sina Art, Nonie Buencamino, at Samantha Richelle. Sa likod ng kamera, mga Pilipino rin ang nagtrabaho sa pinakaunang American TV series na kinuhanan ng buo sa Pilipinas.

Dagdag pa sa Pinoy power sa ikawalong episode maliban kay Zaijian ang premyadong aktor na si Elijah Canlas, Lloyd Zaragoza, Al Gatmaitan. Pilipino rin ang direktor ng episode na si Irene Villamor, na nasa likod ng mga pelikulang “On Vodka, Beers, and Regrets,” “Meet Me in St. Gallen,” at “Sid & Aya: Not A Love Story.” (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.