Una sa Balita

Zaijian ayaw sa mga babaeng artista

0 500

Mahirap nang makalimutan ng buong bansa ang role na ginampanan ni Zaijian Jaranilla bilang Santino sa minahal na teleseryeng “May Bukas Pa” noong 2009. Kuwento nga mismo ni Zaijian sa presscon ng bago niyang iWant series na marami pa rin ang tumatawag na “Santino” sa kanya. Kaya naman marami ang natuwa at napa-reminisce nang ilabas ang “start of the decade” at “end of the decade” challenge niya.

Kung noon mukhang musmos pa siya, ngayon binatang-binata na nga si Zaijian! Naku, ganoon na pala katagal ‘yun? 10 years?

Iconic talaga si Zaijian dahil nakapag-inspire ang “May Bukas Pa” sa maraming tao lalo pa’t dinaanan ng bansa ang bagyong Yolanda noong mga panahong ‘yun. Kasunod pa nito ang favorite Christmas song ng lahat na “Bro, Ikaw Ang Star Ng Pasko,” at ngayong 2019 si Zaijian ang unang bumungad sa 2019 “Family is Forever” station ID ng ABS. 10 years ang pagitan, pero same pa rin ang effect niya.

Anyway, regarding Zaijian, nagbabalik bida na nga siya sa iWant original series na “Story Of My Life” at pangbinata talaga ang kanyang role na isang teenager na dumaranas ng depresyon.

18 years old na si Zaijian at around 5 years na raw sila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Nang tanungin naman kung bakit niya ayaw ng showbiz GF, simpleng sagot lang niya ay ayaw niya ng mga issue in public. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More