Una sa Balita

Zac Efron, Vanessa Hudgens reunion hiling ng mga millennial fan

0 434

Hyped to the highest level ang Hollywood actress na si Vanessa Hudgens sa kanyang pagto-throwback sa classic movie na “High School Musical” kung saan pinakaminahal siya ng kanyang mga fan.

Kumakalat kasi ngayon sa Twitter ang short video clip kung saan super energetic niyang kinakanta ang pamatay kilig song na “Breaking Free” mula sa kanilang pelikula na “High School Musical”.

Well, after 13 years, masasabi talagang iconic na ang kanilang pagganap ni Zac Efron bilang Gabriela Montes at Troy Bolton sa pelikulang iyon. Buhay na buhay talaga ang mga millennial sa Twitter nang makita ang video na kinakanta ulit ni Vanessa ang awit na iyon at hindi talaga maitatangging nasabik silang makitang magkakasama ulit ang cast ng pelikulang “HSM”. Matagal nang may umuugong- ugong na usapan na baka sakaling magkaroon ng reunion ang mga ito pero hanggang ngayon ay wala pa ring kompirmasyon mula sa kahit sino sa kanila kung totoo nga ba ito. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy