Una sa Balita

Zac Efron nagkasakit sa Papua New Guinea

0 510

Kinumpirma ng Hollywood actor na si Zac Efron na tinamaan siya ng matinding sakit habang nagsu-shoot sila ng survival reality show sa Papua New Guinea.

Ayon sa Australian media, kinailangan na isakay sa helicopter ang 32-year-old actor para madala sa isang ospital sa Australia dahil nagkaroon ito ng isang bacterial infection habang sinu-shoot ang “Killing Zac Efron” series.

Lumabas sa report na nagkaroon ng typhoid fever si Zac.

Typhoid fever is transmitted by contaminated food and water, and kills 216,000 to 600,000 people worldwide each year.

Sa kanyang Twitter account, nag-post si Zac ng isang photo kasama ang ilang mga kasama sa Papua New Guinea. May caption na “Back home for the holidays with my friends and family. Very thankful to everyone who has reached out. I did get sick in Papua New Guinea but I bounced back quick and finished an amazing 3 weeks in P.N.G.”

Nakauwi na noong Christmas Eve si Zac sa Los Angeles.

Ayon kay Dr. Glenn McKay ng Medical Rescue Group: “Medical Rescue retrieved a U.S. citizen in his 30s from PNG to Brisbane recently for medical attention.”

Ang “Killing Zac Efron” ay isang adventure series na ipapakita ang actor in adventures “deep into the jungles of a remote, dangerous island to carve his own name in expedition history.” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More