Una sa Balita

Zac Efron ginawang photographer nina Wil, Alodia

By
0 1,424

Bongga rin ang pictorial ng isa sa top YouTuber ng buong mundo na si Wil Dasovich at ng dyowa niyang si Alodia Gosiengfiao na isa sa pinakasikat na cosplayer dito sa ating bansa.

Ang litrato nila na kuha sa isang Los Angeles beach ay nagiging viral ngayon hindi dahil sa mismong litrato nila na nasa sweet moment sila habang nakatalikod at nakaupo kundi dahil sa kung sino ang kumuha ng litratong ito.

Sa caption ni Wil ay nag-emote nga ito tungkol sa journey niya mula sa pagiging isang cancer survivor hanggang sa kagandahan ng buhay kung saan tinag niya ang Hollywood actor na si Zach Efron.

Ayon sa mga comment ay pinagdududahan nila na si Zach ang kumuha nito at marami ang nagtataka kung paano naging close sina Wil at Alodia sa isa sa pinakaguwapong Hollywood actor.

Well, base sa tsika ay magkaibigan sina Wil at ang kapatid ni Zach na si Dylan Efron kaya madalas nga itong makita sa IG stories ni Wil.

Maaari nga raw na sa bonding moment na ‘yun nina Dylan, Alodia at Wil ay sumama ang sikat na actor at maaaring ito nga ang kumuha ng nasabing litrato kaya tinag ito ni Wil.

Siyempre, sino nga naman ang hindi maiinggit kina Wil at Alodia kung isang Zach Efron ang kumuha ng kanilang romantic moment, devah?

Kahit naman ako, noh!

Coco tumangging idirek si Bossing

Itinanggi ni Coco Martin na siya ang magdidirek sa pelikulang gagawin niya with Vic Sotto na entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2018. May balita kasing kumalat na siya ang magdidirek ng Popoy En Jack: The Puliscredibles na co-produced ng kanyang CCM Films sa M Zet Films at APT Entertainment.

Ayon sa Primetime King ng ABS-CBN, hindi niya magagawang magdirek ng pelikulang ito dahil busy rin siya sa pagdidirek ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya to make things clear, sinabi na niya na si Direk Mike Tuviera ang hahawak ng kamera para sa kanila ni Bossing.

Pero, ang magiging papel niya ay sa aspekto ng creative dahil ga­ling sa kanya ang concept nito kaya tuwang-tuwa nga siya nang tanggapin ni Bossing ang kanyang offer na gumawa sila ng pelikulang pang-filmfest.

Samantala, sinabi rin ni Coco na sa ngayon ay wala pang nakaplanong movie with Vice Ganda dahil nakadalawang pelikula na sila at wala pang konsepto na naiisip kung saan ay puwedeng mag-swak ulit ang kanilang role. Pero, hindi raw imposibleng magsama ulit sila sa mga darating na araw.

Hindi rin niya kinumpirma kung si Maine Mendoza nga ang kanilang magiging leading lady dahil sa ngayon ay binubuo pa rin daw nila ang cast, so, hindi pa siya sure.

Abangan na lang, noh!