Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yumul sinalba ‘Pinas vs Syria

0 134

PINANTAYAN ni Kristan Geyl Yumul ang all-time high 33 points league record – 27 sa 3-point shot – upang giyahan ang Gilas Pilipinas Girls sa pagsibak kontra Syria, 92-86, sa 6th International basketball Federation Asia Under-16 Women Championship Division B prelims sa Prince Hamza Sporting Hall sa Amman, Jordan nitong Sabado.

Lumamang ang PH 5 ng 20, 47-27, sa first half. Pero hindi nasiraan ng loob ang Syrians na tumabla 87-all sa mahigit dalawang minuto na lang ng fourth quarter saka lang bumigay sa endgame tungo sa second straight win ng Nationals sa gayung damaing sabak.

Pinarehasan ni Yumul, nagdiwang ng kanyang pang-17 kaarawan noong Biyernes, ang iniskor na 33 din ni Chen Tsai Chin ng Taiwan sa unang edisyon ng torneo noong 2009 sa Pune, India.

Nagposte sa pangalawang sunod na pagkakataon nang solidong laro si Gabriella Ramos upang bak-apan si Yumul ng 21 pts. at 14 rebs. Nag-27-20 siya nang tambakan ng Pinay quintet ang Indonesia nu’ng Biyernes, 104-68.

Makakasagupa ng ‘Pinas sa Linggo simula sa alas-8:45 ng gabi ang Samoa (1-1).

Ang iskor:

Philippines 92 – Yumul 33, Ramos 21, Panganiban 13, Medina 7, Oani 7, , Nolasco 6, Fajardo 2, Patricio 2, Lopez 1, Elson 0, Nair 0, Villarin 0.

Syria 86 – Backour 28, Alahmar 20, Almohammad 13, Khreim 6, Kurdi 5, Kanaan 4, Doubal 4, Mardou 2, Jamsakian 2, Agha 2, Aldada 0.

Quarters: 26-19, 47-31, 73-63, 92-86. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.