Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yulo namakyaw ng gold sa SEAG

0 99

Kinokekta ni Tokyo Olympian Carlos Edriel” Caloy” Yulo ang ikalima nitong gintong medalya sa makapigil hininga nitong huling event na high bar ng Men’s Artistic Gymnastics (MAG) competition upang pantayan ang kasaysayan bilang pinakamaraming naiuwing medalya sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Halos kalahating minutong naghintay hindi lamang ang mga kalahok kundi pati ang mga nanood sa Quan Ngua Sports Palace para sa resulta matapos ang huling pagsabak ng pambato ng Vietnam bago tululyang nakamit ni Yulo ang kanyang ikalimang gintong medalya.

Unang nagtala si Yulo ng 13.867 puntos matapos ang kanyang routine na tinampukan ng perfect landing bago na lamang ang natagalan na pagbibigay ng iskor kay Phuong Thank Dinh ng Vietnam na nagkamali sa landing ngunit natapatan pa rin ang iskor na 13.867 para magsalo sa gintong medalya.

Pumangatlo ang isa pang pambato ng Vietnam na si Thanh Tung Le na may 13.433 puntos.

Samantala’y nagkasya lamang sa pilak na medalya si Yulo sa Men’s Parallel Bars sa naitala nitong 14.900 puntos. Nagwagi si Phuong Than Din ng Vietnam sa iskor na 15.133 habang ikatlo si Thanh Tung Le na may 14.500.

Tinapos ni Yulo ang lahat ng kanyang event na may limang gintong medalya at dalawang pilak.

Tanging nabigo at hindi ito nakakuha ng medalya sa pommel horse. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.