Una sa Balita

Yulo naka-gold sa All Japan Srs

0 273

PINAKITAng Carlos Edriel Yulo ang kahandaan sa nalalapit na importanteng FIG World Gymnastics Championships nang maka-gold medal 2019 All Japan Senior Gymnastics Championships sa Tokyo.

Naparehasan ng 18-anyos Pinoy gymnast si seven-time Olympic medalist Japanese Kohei Uchimira ng Japan sa paborito niyang men’s floor exercise sa pag-iskor ng 14.800 points upang baunin ang karanasan sa patungo sa huling Olympic qualifying tournament na WGC sa Stuttgart, Germany.

Isang Olympic medal hopeful ng bansa sa men’s artistic gymnastics, susundan ni Yulo si pole vaulter Ernest John Obiena upang maging ikalawang atleta na direkta na mag-qualify sa 2020 Tokyo Summer Olympics.

Kailangan ni Yulo ang isang “podium finish” sa Stuttgart gymnasticsfest sa Oktubre 6-14 upang makalaro rin sa 2020 Summer Games.

Inihayag ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na kailangan lang ni Yulo na makakopo ng kahit anong kulay na medalya sa nasabing torneo upang makapagtala ng kasaysayan para sa bansa bilang unang gymnast na nag-qualify sa quadrennial sportsfest

“All he needs is to win a medal, of any color in the tournament,” anang opisyal. “He has been in the required ranking slot but it would be great if he able to get a direct qualification as he earns it.” (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy