Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yulo matunog na SEAG MVP

0 89

ITINANGHAL si Tokyo Olympian at world vault champion Carlos Edriel “Caloy” Yulo bilang may pinakamaraming napagwagian na medalya sa kalalakihan upang masama sa apat na pinagpipilian na Most Outstanding Male Athlete sa papatapos nang ika-31 edisyon ng Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Ang 22-anyos na si Yulo ay nagwagi ng limang ginto at dalawang pilak para sa kabuuang pitong medalya at manguna sa listahan ng mga kandidato para sa iginagawad na tampok na karangalan sa pinakamahusay na atleta sa kada dalawang taong multi-sports na torneo.

Sumunod kay Yulo ang tatlong swimmer na kinabibilangan nina Nguyen Huy Hoang ng host Vietnam na nagwagi ng limang ginto habang nasa ikatlo si Quah Zheng Wen ng Indonesia na may 4 ginto, 2 pilak at 1 tanso para sa 7 din na medalyang napanalunan.

Ikaapat si Tranh Hung Nguyen ng Vietnam na nagwagi naman ng apat na ginto.

Si Yulo, na naging 2-time world champion sa floor exercise at vault, ay matatandaang nagwagi sa individual all-around, floor exercise, vault, still rings at horizontal bars habang nakapilak ito sa team event at parallel bars.

Tanging nabigo itong makapagwagi ng medalya sa pommel horse. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.