Una sa Balita

Yulo ginto sa individual all-around

0 320

BONGGANG sinimulan ni world champion Carlos Edriel ‘Caloy’ Yulo ang kanyang 30th Southeast Asian (SEA) Games campaign.

Sumikwat agad ng gold medal si Yulo sa individual all-around event sa men’s artistic gymnastics kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.

Pasiklab agad si Yulo, nakasampa sa 2020 Tokyo Olympics matapos magkampeon sa World Championships sa Stuttgart nitong Oktubre sa kanyang paboritong floor exercise event.

Nakakuha si Yulo ng 14.650 iskor bago sumalang sa pommel horse kung saan third siya sa iskor na 13.600.

Pagsapit sa rings, kumubra naman si Yulo ng iskor na 13.600.

Nakalikom si Yulo ng 14.55 sa vault, 14.4 sa parallel bars at 13.75 sa horizontal bars. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy