Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yulo bubuo ng team

0 239

PUNTIRYA ni Japanese gymnastics coach Munehiro Kugimiya na makabuo ng isang Team of 4 para sa Pilipinas upang mas mapataas ang tsansa hindi lang kay 2019 world floor exercise champion Carlos Edriel ‘Caloy. Yulo kundi pati na sa tatlong iba pang atleta ng Pilipinas para sa dalawang susunod na Summer Olympic Games.

Ito ang iminungkahi ni Kugiyama kay Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion hinggil sa asintang mapabuti si Yulo at tsansa ng bnsa sa medalya sa quadrennial sports conclave.

Ayon nitong Biyernes kay Carrion, inaasahang nakahanda na si Yulo, 21 para makipag-agawan sa gold medal sa 2024 Paris Olympics at 2028 Los Angeles Summer Games at mas lalong lalawak ang posibilidad kung may makakasama ito sa pagsabak bilang parte ng isang koponan. .

“Coach Munehiro Kugimiya plans to qualify a team of four so Caloy won’t be alone in competition in 2024,” banggit ng oipisyal. “They’re building a Team Caloy like Team Hidilyn so we’ll cover everything he needs.”

Si Yulo ay kasalukuyang binibigyan ng free full access sa gym facilities sa eskuwelahan g pinapasukan na Tsukahara Gymnastics Center. Inaasahang matatapos niya ang Sports Science and Human Behavior degree sa 2022 sa Teikyo University.

Umaabot ang tuition ni Yulo sa P800K kada taon sa unibersidad, tumutulong ang Philippine Sports Commission sa pagbibigay ng P3 milyon kada taon para sa living expenses. Naghahanda siya sa Japan Championships sa buwang at sa World Championships sa Oktubre. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.