Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yulo asinta 4 ginto

0 66

NAKATUON ang Tokyo Olympian at Asian Seniors Championship triple gold medalist na si Carlos Edriel “Caloy” Yulo na makasungkit ng apat na gintong medalya sa Liverpool England World Championships na magpapalakas sa nais ntiong ikalawang sunod na pagsabak sa Olimpiada na gaganapin sa 2024 sa Paris, France.

Ito ang sinabi mismo ng 22-anyos na si Yulo sa isinagawa ng Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na victory party sa The Heritage Hotel Manila Martes kung saan itinakda itong target ng kanyang Japanese coach na si Munehiro Kugiyama.

“Gusto po ni coach Mune na pagbutihin ko ang mga apparatus na malaki ang tsansa na manalo,” sabi ni Yulo, na mga paborito ang floor exercise, parallel bars at vault na makakapagbigay dito ng tsansa sa individual all-around.

Aminado naman si Yulo na hindi nito makayanan at lubhang nahihirapan sa pommel horse at horizontal bars habang pilit nitong pinapatatag na mapataas ang tsansa sa still rings.

“Mahirap po kasi talaga ang pommel horse. Hindi ko po nakikita ang sarili na mananalo ako sa apparatus na iyon kahit sa SEA Games so maximum of five events po kami magko-concentrate,” sabi ni Yulo.

Matapos ang Asian Championships na ginanap sa Doha, Qatar kung saan nagwagi ng tatlong ginto at isang pilak na medalya, sasabak muna si Yulo sa isang torneo sa All Japan sa Setyembre bago sumabak sa World Championships sa Oktubre bago muling sumabak sa Japan sa Disyembre. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.