Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yuka palaban

0 63

Kahit dumausdos sa solo segunda, nananatiling malakas na contender para sa titulo si Yuka Saso sa pagkaiwan lang ng dalawang palo sa bumalik sa taas na si Ayaka Furue sa penultimate day ng ¥100M 39th Daio Paper Elleair Ladies 2020 sa Elleair Golf Club Matsuyama sa Ehime Prefecture, Japan Sabado ng hapon.

Nag-shoot ang Pinay pro ng four-under 67 para sa 202 54-hole total para sa asam pa ring third title sa mayamang circuit sa rehiyon kahit sumingasing ang local bet ng 65-200 upang solohin ang tuktok.

Bago nag-akbayan bilang co-leaders makaraan ang 36 holes sina Saso at Yuna Nishimura, kasama sa triple-tie para sa lead sa opening round ang 20-anyos na tubong Kobe City, Hyogo Prefecture na si Furue.

Kaya kapana-panabik na dikdikan sa pagtatapos ang inaasahan kina Saso, Furue nasa terserang si Erika Kikuchi (65-205) at maging sa apat na may mga 206 kasama si Nishimura para sa ¥18M champion purse, Player of the Year (Mercedez ranking) points at money race patungo sa final event JLPGA Tour Championship Ricoh Cup next week. (Ramil Cruz)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.