Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yuan Martin, 7 taon matapos talikuran ang limelight

0 67

Para sumikat samu’t-sari na ang mga pakulo ngayon sa social media mapansin ka lang ng mga netizens at ng mga chismosa nating kapitbahay. May mga sumasayaw, kumakanta, nag babali-baligtad, nang o-okray at kung ano-ano pa. Pero taliwas lahat ng yan sa kwento ng dating social media sensation na si Yuan Martin.

Throwback Thursday muna ang peg natin ngayon mga suki at balikan natin ang nakaraang 7 taon. Sino nga ba ang makakalimot sa mga super star ng social media noon gaya ng JaMich at mga boy group gaya ng Chicser, Upgrade at U-Turn.

Nakilala sa mundo ng social media si Yuan taong 2014 dahil sa kanyang angking kakisigan, magandang pangangatawan at higit sa lahat ay ang kanyang talento sa pagkanta, kaya naman nabuo ang grupong “U-Turn” isang grupo ng mga makikisig na kabataan at kabilang na nga riyan si Yuan bilang lead singer ng grupo.

Crush ng bayan, idolo ng masa at internet sensation ilan lamang yan sa mga bansag sa kanya noong mga panahong aktibo pa siya sa social media, kaya naman bago pa sumikat ang mga idolo nating social media influencer ngayon ay na-una na sa limelight si Yuan.

Pero alam niyo ba na nung kabataan pala ni Yuan ay isa rin siyang ugly duckling (sorry na friend Lol!) pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil biktima rin siya ng #WhenPubertyHitsYou at nang akin siyang tanungin kung may ipinaretoke ba siya aniya.

“Wala! matangos talaga ilong ko dati pa gusto ko nga eh panga lang sana, sakaling may chance pero hindi naman ako nagparetoke nag ayos lang ako sa sarili ko syempre nag e-evolve lang. Yun nga yung tinatawag nilang glow up.”

Nang amin namang mapag usapan matapos niyang talikuran ang spotlight tinanong ko siya kung bakit niya mas pinili ang pribadong pamumuhay sa kabila ng kanyang kasikatan.

“Nung nagka girlfriend ako umalis ako di ka kasi makagalaw di mo maipost yung girlfriend mo, parang di mo mai- public kasi siyempre meron kang pinapangalagaang image pag nakitang may gf ka na hindi na sila nag susuport.” Pahayag ni Yuan.

Pero nasaan na nga ba si Yuan ngayon at ano na ang nangyari sa kanya matapos ang 7 taon. Dahil mas pinili ang pribadong buhay pinasok nito ang corporate world at dito niya nahanap ang kanyang sarili na malayong malayo sa kanyang buhay noon na bawa’t galaw niya ay pinupuna ng mga netizens.

Nang usisain ko pa ito pina-amin ko siya kung meron ba siyang jowa o nagpapatibok ng kanyang puson este puso ngayon saad lang niya, single siya at ready to mingle. (Oh! Girls alam na this PM is the key LOL!)

At nang mas lumalim pa ang aming tsikahan sinegwey ko na rin kung may nag aalaga ba sa kanyang bading o nakakatanggap ba siya ng mga indecent proposal at aniya.

“Ay wala walang nag aalaga, ang sakin naman hindi naman ako parang kung may opportunity na ganyan basta hindi bastos or marespeto naman okay lang naman sakin pero hindi ko naman siya hassle na parang naghahanap ako ng ganun kasi gusto ko mabuhay ng madali, may work naman ako.” Humahalakhak na pahayag ni Yuan.

Samanatala mensahe naman nito para sa mga aspiring influencer at sa mga nag sisimula pa lamang wag susuko hanggat hindi naabot ang mga pangarap at maging maingat sa mga bawat pag post nila sa social media.

Para naman sayo Yuan mula sa iyong mosang kapitbahay, bilang isa rin ako sa mga taga suporta mo, noon sino ang mag-aakala na yung tagahanga lamang noon eh friends na ngayon (Naks! Iba naman pala) kaya naman I wish you a Happy Birthday and wish ko rin ang success mo sa life at sana magka-jowa ka na this year Daddy Yuan Charot! 

Leave A Reply

Your email address will not be published.