Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yu namimigay ng mga texas

0 249

PA-RAFFLE ang isa sa mga proyekto ni two-time World Slasher Cup champion Honey Yu ngayong quarantine period.

Kasama sa mga aktibidades ni Yu ang pagbebenta ng one-day old at mga itlog sa mga sabungero na gustong magkaroon ng ‘Honey888’ na linyada.

Kahit hindi nakakalabas ng bahay sinisigurado ni Yu na maayos ang kanyang farm.

Related Posts

“Marami talagang pinahirapan ang pandemyang ito kahit tayo ay nahihirapan, hindi pa rin ako lumalabas ng bahay kaya nagpapasalamat ako sa mga tao ko sa farm na matagal na natin kasama dahil patuloy na maayos ang pag-aalaga nila ng mga manok,” saad ni Yu sa interview niya sa “The GameFowl Show” na ang host ay ang kanyang pamangkin na si Maginie Yu.

Ayon kay Yu, maraming maliliit na farm na gustong subukan ang bloodline nila pero hirap kumuha kapag malalaki na kaya naisipan niyang magbenta ng one-day old.

Samantala, halong limang buwan ng walang sabong sapul nang isailalim ang bansa sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.