Una sa Balita

Yu, Letran sinilat ang Beda sa Game 1

0 378

Finals Game 2 sa Biyernes:
(SM Mall of Asia Arena)
Best-of-three
4:00pm — San Beda U vs Letran
(Kinghts lead series, 1-0)

TIBAY ng dibdib at ­diskarteng marino ang ginamit ng Letran Knights sa pangunguna ni Fran Yu upang silatin ang ­defending champion San Beda University (SBU) Red Lions, 65-64, sa Game 1 ng 95th NCAA men’s basketball ­tournament best-of-three finals kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Dikdikan ang bakbakan sa fourth quarter, sinabayan ng Knights ang bangis ng Red Lions upang magiging matatag sa endgame.

Hawak ng Intramuros-based squad Letran ang isang puntos na bentahe may 2.4 segundo na lang sa orasan, nagmintis si Yu sa kanyang unang libreng tira, ginamit nito ang kanyang isip, sinadyang imintis ang pangalawa upang magkaroon ng agawan ng bola sa ere at maubos na ang oras.

“Sobrang pasensyoso ang San Beda sa opensa kaya dapat mas maging pasensyoso kami para masabayan namin sila,” saad ni Yu na hinirang na Best Player of the Game.

Tumipa si Yu ng 10 points, anim na assists at tigatlong rebounds at steals para sa Letran na namumuro sa pagsilo ng korona, namuno sa opensa si Bonbon Batiller na may 12 puntos.

Sa Biyernes ang Game 2 sa parehong lugar.

Tumikada si Evan Nelle ng 20 markers para sa San Beda University na nakalsuhan ang kanilang 32-game winning streak.

Huling nakalasap ng talo ang Red Lions ­August 21, 2018, yumuko sila sa Lyceum of the Philippines Pirates, 66-73. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy