Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

YouTube superstars JaMill inilantad ang nakaraan

0 542

Pinasok na rin ng YouTube power couple na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang JaMill ang pagkanta, at nakatakdang ilabas ang debut single nila mula sa Star POP na “Tayo Hanggang Dulo” sa Hulyo 24 (Biyernes).

Iikot ang makabagong love song sa mga pinagdaanan ng dalawa, mula noong magkakilala sila, hanggang sa mga pagsubok na hinarap at mga sakripisyong ginawa nila habang mas lumalim ang kanilang relasyon. Mensahe ng kanta na mayroong “forever” kung pagsusumikapan ito ng isang magkarelasyon.

Bagay rin sa kakaiba pero totoong mga vlog ng JaMill ang “Tayo Hanggang Dulo,” na mayroong nakakaantig na lyrics na sinamahan ng makabagong tunog na uso ngayon.

Sumikat ang JaMill dahil sa mga vlog nila sa YouTube. Kahit na dalawang taon pa lang ang nakalilipas simula nang i-launch nila ang channel, nakatanggap na sila ng maraming pagkilala bilang mga personalidad sa internet, gaya na lang ng pagiging pinakamabilis na channel na nakakuha ng isang milyon na subscribers sa YouTube buong Southeast Asia. Mahigit isang bilyon na rin ang kabuuang views ng kanilang channel, at nanguna rin sa mga local “Youtube Vlogger” sa Pilipinas. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.