Una sa Balita

YouTube sensation Chachi babae ang ipinagbubuntis

0 234

Excited na ang mga fan para sa bonggang blessing ng American YouTube sensation at dancer na si Chachi Gonzales.

Inanunsyo ng dancer na magkakaroon sila ng baby girl ng kanyang asawa na si Jukka Hilden, isang entrepreneur.

Nitong katapusan lang ng Mayo nang ianunsyo ni Chachi na buntis siya via Instagram at 4 minute video clip sa kanyang YouTube Channel.

Si Chachi ay bahagi noon ng dance group na I AM ME na lumahok sa sikat na dance competition program na “World of Dance”.

Pero mas nakilala nga ito nang mag-solo na nagco-collaborate sa iba’t ibang dancer. Lalo na ang kanyang choreography ng “Bang” walong taon na nang nakalipas.

Sikat talaga itong si Chachi sa kanyang mga killer moves pero siyempre, ngayon ay pahinga muna sa mga dance dahil magiging mommy na nga siya.

Matatandaang bumisita rin sa Pilipinas si Chachi at nagpakitang-gilas sa entablado ng “ASAP” noong 2015. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy