Una sa Balita

Youth U-16 Chess susulong sa Taytay

0 303

HANDA na ang lahat sa pagbubukas ng CEFAG-Chess Education For Age-Group Youth Under-16 1950 and below rapid chess tournament ngayong weekend sa Waltermart sa Taytay, Rizal.

Ang nasabing event ay bukas sa lahat ng manlalaro na ang edad ay hindi lalagpas ng 16 kung saan ang limit rating ay 1950.

Gaganapin din ang blitz side event na limit rating naman ay 2050.

Ang top five qualifier ay uusad sa CEFAG-Chess Education For Age-Group finals sa Mayo kung saan masisilayan ang elementary at high school category.

Nakalaan ang P1,000, P700, P500, at P300 sa top fivewinners. (Elech Dawa)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More