Una sa Balita

Youth for truth

0 263

Talamak ngayon ang pagkalat ng fake news at hindi lang ang gobyerno ang naaapektuhan nito kundi ang mga organisasyon at sinumang indibidwal na target ng mga gumagawa nito.

Hindi po biro ang epekto ng fake news dahil kung minsan ay nagreresulta ito sa takot, pagkakahati-hati o pagkawala ng tiwala ng publiko sa gobyerno o sa isang institusyon at sa mga taong inaatake ng maling impormasyon.

Kaya naman ang atin pong tanggapan, ang Presidential Communication Operations Office (PCOO) ay itinatag ang Youth For Truth at Dismiss
Disinformation campaign para labanan ang pagkalat ng fake news sa bansa sa pamamagitan ng puwersa ng kabataan.

Sa pamamagitan ng temang Dismiss Disinformation, hinihikayat po ng PCOO ang mga lider-kabataan sa buong bansa na maging taga­pagtaguyod ng katotohanan at tulungan ang gobyerno para malabanan ang pagkalat ng fake news at maging aktibo sa paghahanap ng katotohanan.

Naniniwala po tayo na malaki ang magagawa ng kabataan para malabanan ang fake news na ang kalimitang gumagawa nito ay mga taong hindi kuntento, naiinggit o walang ginawa kundi kontrahin ang mga ginagawang pagbabago sa gobyerno.

Hanggang ngayon kasi, marami pa rin sa mga dating nasa kapangyarihan ang hindi matanggap na tapos na ang kanilang panahon at naputol na ang kung anong pinapakinaba­ngan sa dating sistema kaya gumagawa ng mga paraan para sirain o kontrahin ang mga pagbabago sa gobyerno at sa bansa.

Kaya naman po isinulong natin ang Youth for Truth Program para kontrahin ang fake news sa bansa. Ang kabataan po ang pinakamabisang ins­trumento para kontrahin ang pagkalat ng mga maling impormasyon sa pamamagitan nang paghubog sa kanilang kaisipan sa prinsipyo ng katotohanan, responsibilidad at integridad.

Sa pamamagitan ng Youth for Truth caravan, ang PCOO ay aktibong naglilibot sa State Universities and Colleges (SUCs) at mga pribadong paaralan sa buong bansa para maglunsad ng mga seminar at mga talakayan kung paano labanan ang fake news.

Itinuturo rin sa Youth for Truth program kung paano matukoy ang fake news sa totoong impormasyon sa pamamagitan ng mga formula na 5Cs: content, context, communicator’s identity, creator’s intent at consequence.

Bukod po sa paglilibot sa mga campus, ginagamit din ng PCOO ang platform ng radyo sa pamamagitan ng go­vernment radio station (Radyo Pilipinas) sa pagsusulong ng Youth for Truth program at social media sa pamamagitan ng Facebook page ng PCOO at RTVM o Radio Television Malacañang.

Kaagapay din po natin ang Philippine Information Agency (PIA) sa pagtataguyod ng programa at maituro sa kabataan ang responsableng paghahatid ng tunay na impormasyon at mapaigting ang mensahe ng katotohanan.

Sa panahon pong ito kung saan isang pindot na lamang ang paggamit ng teknolohiya, panguna­hing layunin ng Youth for Truth na ituro sa kabataan kung paano maging res­ponsable sa paggamit, pagbahagi at pagbuo ng media content, at maging ­influencer para malaba­nan ang mga disinformation sa bansa.

Naniniwala po ako na ang kabataan ang pag-asa ng bayan kaya sila ang bida at kasangga ng gobyerno sa programang Youth for Truth para mapanatili ang mga isinusulong na pagbabago sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More