Una sa Balita

Younghusband optimistiko sa Group C

By
0 1,394

Optimistiko si Azkals team captain Phil Younghusband sa kanilang tsansa sa unang pagtuntong sa Asian Cup na gaganapin sa Enero 2019.

Ito ay matapos ang ginanap na draw sa Armani Hotel na dinaluhan ng opisyales ng Philippine Football Federation (PFF) at ilang manlalaro ng Philippine Azkals.

“I think its a good draw because at least we’ve played two teams in the group before so we know what to expect,” sabi lamang ni Azkals skipper Phil Younghusband.

Abante Hiring – IT dep

Makakasagupa ng Pilipinas ang mga matitinding South Korea at China gayundin ang Krygyztan sa unang pagtuntong sa Asian Cup sa sa Dubai, United Arab Emirates.

Napunta ang Azkals sa Group C kasama ang Kyrgyzstan na tinalo nila dalawang taon na ang nakalipas.

Gayunman, ang pinakamatin­ding ha­mon sa Pilipinas ay ang pagsagupa sa mga Chinese at Korean na unang pagkaka­taon pa lang makakatapat ng Azkals.