Una sa Balita

Young sumalo sa tuktok

0 302

HUMALUBILO sa top spot si International Master Angelo Young tapos pagulungin si Israeli Grandmaster Lev Psakhis sa round five ng 29th FIDE World Seniors Chess Championships 2019, Sabado ng gabi sa Rin Grand Hotel sa Bucharest, Romania.

Nakapagtala na ang PH bet ng 4.5 points tapos ang 79 moves Queens Pawn Opening win para akbayan sa unahan sina GMs Vladislav Nevednichy at Mihail Marin ng host country.

Sunod na makakalaban ng Pinoy woodpusher sa round six si GM Sturua Zurab ng Georgia sa nasabing event na ipinatutupad ang 11 rounds Swiss system.
Tumabla lang si GM Rogelio Antonio Jr. kay GM Milos Pavlovic ng Serbia. Nakalikom ang 13-time PH Open champion ng apat na puntos tapos ang 24 moves ng Sicilian defense, Alapin variation game.

Related Posts

Mula sa pagsosyo sa 10 magkakasama sa ikalawang puwesto, laglag at nakisiksik na si Antonio sa fourth hanggang 15th place.

Sina Antonio at Young ay parehong lumalaro sa 50-and-above category rito.
Ang kampanya ni Antonio ay suportado ng Phili­ppine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman William “Butch” Ramirez at ng Prage Management Corporation na mga naglalathala ng mga pahayagang Abante at Abante TONITE.
Makakaharap ni Antonio sa susunod na laban si GM Ram Soffer ng Israel. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy