Una sa Balita

Young salo sa tuktok

0 269

‘DI nagpasindak si Angelo Young sa rated player na katunggali sa round six ng 29th FIDE World Seniors Chess Championships 2019 nitong Lunes sa Rin Grand Hotel sa Bucharest, Romania.

Sorpresang kinalos ng Pinoy International Master si Grandmaster Zurab Sturua ng Georgia upang sumalo sa top spot tangan ang 5.5 points.

Kasalo ni Young sa tuktok ang seven round opponent na si GM Vladislav Nevednichy ng Romania sa event na ipinatutupad ang 11-round Swiss system.
Tinalo ni Nevednichy ang kababayang si GM Mihail Marin.

Nauwi sa draw ang laban ni GM Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr. kontra GM Ram Soffer ng Israel.

Sunod niyang kalaban si GM Alex Yermolinsky ng USA.
Sina Young at Antonio ay parehong sumusulong sa 50-year-old and above category rito.

Ang kampanya ni Antonio ay suportado ng Phi­lippine Sports Commission, (PSA) sa pamumuno ni Chairman William ‘Butch’ Ramirez at ng Abante/Abante TONITE ng Prage Management Corporation. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy