Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Young, Hawks umahon sa hukay

0 144

KALMADO ang pulso ni Trae Young sa clutch kahit bagito lang siya sa postseason.

Nag-rally mula 26-puntos na pagkakaiwan ang Atlanta Hawks para itumba ang Philadelphia 76ers 109-106 at agawin ang 3-2 lead sa Eastern Conference semis Miyerkoles ng gabi.

Na-foul si Young habang pabitaw ng 3-pointer, ipinasok ang tatlong free throws at nakumpleto ang panalo ng Hawks.

Tumapos si Young ng dambuhalang 39 points at 7 assists. Nag-ambag ng 19 points at 11 rebounds si John Collins, may 16 si Danilo Gallinari at 15 pa kay Lou Williams.

Babalik ng Atlanta ang series, puwede nang bumiyahe ng conference finals ang Hawks kapag naipanalo ang Game 6 sa harap ng kanilang home crowd.

Nananakit ang tuhod ni big man Joel Embiid pero nambarako ng 17 points sa first quarter at nagmukhang itatakbo na ng 76ers panalo nang lumamang ng 26 sa first half.

Abante pa ang Sixers 87-69 pagkatapos ng three bago na-outscore sa fourth 40-19.

Nagsumite si Embiid ng 37 points, 13 rebounds at 5 assists, tumabo rin ng 36 si Seth Curry pero combined 12 points lang sina Ben Simmons at Tobias Harris. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.