Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Young, Hawks binulaga Sixers

0 251

INUMPISAHAN ni Trae Young, tinapos ng one-handed jam ni John Collins ang panilat na 128-124 win ng Atlanta laban sa Philadelphia sa kanilang Eastern Conference semifinal opener Linggo ng gabi.

Maagang dumistansiya ng 26 ang Hawks sa likod ng 25 points ni Young sa first half. Tumapos siya ng 35, may 10 assists pa huli ang lob kay Collins na nagselyo sa panalo.

Umayuda ng tig-21 points sina Collins at Bogdan Bogdanovic.

Naglaro si 76ers big man Joel Embiid sa kabila ng iniindang nananakit na tuhod, humarabas pa rin ng 39 points bago lumabas ng Wells Fargo Center kasabay si WWE superstar Triple H na pumalo sa bell bago ang laro.

Kinapos din ang ayudang 20 points, 10 rebounds ni Tobias Harris at 17 markers, 10 assists ni Ben Simmons.

Pasok ang tres ni Bogdanovic sa dulo, nilagay ang daliri sa bibig para patahimikin ang 18,624 crowd – pinakamalaki ng Philly ngayong season.

Nahulog sa net ang 14 sa first 18 shots ng Atlanta, nagkasa ng 17-0 run sa first half. Bumitaw ng 20 for 47 sa labas ng arc ang Hawks.

“They hit us in the mouth to start the game,” suma ni 76ers coach Doc Rivers. “They were the more physical team.”

Game 2 sa Miyerkoles (araw sa Manila) sa Phlly pa rin. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.