Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Young bumalikwas sa maalat na shooting

0 85

BALOT ng tape ang nananakit na kanang balikat ni Trae Young, maalat ang shooting pero nakarekober at binaon pa ang floater na nagbigay sa Atlanta ng lead tungo sa 103-100 panalo laban sa Philadelphia Lunes ng gabi.

Ibinuhol ng Hawks ang Eastern Conference semis sa 2-2, balik ang Game 5 sa Philly sa Huwebes (araw sa Manila).

Naiwan ng hanggang 18 ang Atlanta, nag-rally para kumpletuhin ang panalo laban kay Joel Embiid na mukhang hindi na matiis ang nananakit na tuhod.

“This team never gives up, no matter what the score is,” ani Young na 8 of 26 lang sa floor.

Sablay ang panghirit-overtime sanang 3 ni Seth Curry.

umapos si Young ng 25 points at career high-tying 18 assists. Umayuda ng 22 points si Bogdan Bogdaovic, may double-double sina John Collins (14 points, 12 rebounds) at Clint Capela (12 at 13).

Kalagitnaan ng second quarter, pumasok ng locker room si Embiid. Nakalaro pa siya ulit pero 0 of 12 shooting na sa second half. Inamin na masakit ang injured knee, nakapagsumite pa rin si Embiid ng 17 points at 21 boards.

Pinangunahan ng 20 points ni Tobias Harris ang Sixers, may 17 si Curry at halos triple-double na 11 points, 12 rebounds, 9 assists kay Ben Simmons. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.