Una sa Balita

Young actress niregaluhan ng condo with pool

0 456

Ang petmalu ng isang young actress na balitang-balita ngayon dahil sa kontrobersiyang kinasangkutan niya na yumanig sa loob at labas ng kanyang giant network.

Talo pa ni young actress ang sinu­werteng tumama sa lotto o sweepstakes dahil sa regalo sa kanya ng kanyang papa. Yes mga pare at mare, niregaluhan si young actress ng condominium unit na may swimming pool.

Sino ang nagre­galo? Ayon sa aking bubwit, ang secret papa ni young actress ang nagregalo rito ng mamaha­ling condo na may pool na hindi pang­karaniwang unit ah. Sabi ng aking bubwit, pinakamahal na unit o penthouse ang binili ng papa ni young actress para sa kanya. Siyempre hindi lang ito basta unit kundi fully furnished ng mga high-end na gamit sa bahay na mukhang fave ni aktres at ng kanyang mga kaanak.

Ang petmalu ni young actress ‘di ba mga pare at mare. Ayon pa sa aking bubwit na real estate agent, nasa Mandaluyong City ang penthouse condo unit na niregalo sa young actress ng kanyang papa. Mandaluyong daw kasi para maraming access roads si young actress papunta at palabas sa kanyang unit para iwas traffic nga naman. Ang sweet naman ng papa ni young actress kakainggit.

Nasabi tuloy ng aking bubwit na manang-mana si young actress sa kanyang mga tita pagdating sa diskarte, pormahan, luho o mamahaling taste sa mga bagay-bagay, at higit sa lahat, sa paggamit ng… utak hehe.

Ang young actress na niregaluhan ng kanyang papa na businessman na bumida nang husto sa hiwalayan ng celebrity couple at inakusahang mang-aagaw ng boyfriend na napakasuwerte ay si ‘J’, as in Joy To The World.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy