Una sa Balita

Young actress malapit nang ilantad ang lihim na relasyon

0 613

Mangangawit sa kahihintay ng reaksiyon mula sa isang aktres ang itinuturing na kakontra niyang kampo. Maraming kaibigan ng female p­ersonality ang nagsasabi na hin-ding-hindi na bibigyan pa ng panahon ng kanilang kaibigan ang kampo ng young actress na parang manok na isinasabong sa kanya.

Sabi pa ng isang kaibigan ng female p­ersonality, “Mas gugustuhin pa niyang mag-poop kesa sa sagutin ang mga birada ng girl na ‘yun dahil sayang lang ang panahon niya!”

Nalaman kasi ng kampo ng aktres na habang nagdedenay pala ang girl at ang ex niyang aktor ay tuluy-tuloy pa rin ang kanilang komunikasyon.

Kuwento ng isang source, “Kami na ang nagsasabi, huwag kayong magugulat kung one day, e, lumantad na rin ang dalawang ‘yun! Hindi sila makatatagal sa patagu-tago!

“Mapapagod din sila isang araw, kaya wala silang choice kundi ang lumabas na para sabihing yes, we’re very happy together!

“Tantanan na ang mga patagong communication, buking na ang mga drama nila, naghihintay na lang sila ng tamang panahon para lumantad!” madiing sabi ng aming source.

Para ano pa raw at sasagutin ng female personality ang mga paeklay na drama ng young actress sa kanyang post?

Patuloy ng aming impormante, “Napakalaking waste of time lang ang pagsagot sa kanya, mas marami pang puwedeng gawin si __ (pangalan ng female personality) na kapaki-pakinabang, ‘no! Ayaw niyang magsayang ng time!”
Madali lang daw naman kasing lusutan ang mga panghuhusga kapag lumantad na ang dalawa, isa lang kuno ang kanilang sasabihin, “Tutal din lang, e, ipinagpipilitan n’yong kami, e, di tinototoo na namin!” nakataas ang kilay na komento ng aming source.

John Lloyd nagsawa sa bar hopping sa Cebu

Parang Maynila na ang Cebu. Kung ano ang meron sa Maynila ay meron na rin sa Queen City Of The South. Pati sa tindi ng traffic ay wala na ring pagkakaiba ang dalawang lugar.

Pati sa pagbabantay sa mga kaganapan tungkol sa mga artista ay parang Maynila na rin ang Cebu. Mas nauna pa ngang malaman ng mga Cebuano ang kuwento ng paghihiwalay nina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna bago bumiyahe sa Maynila ang senaryo.

Kuwento ng mga kaibigan naming duma-lo sa kasal ng kanilang kaibigan sa Bogo ay bidang-bida raw sa siyudad ang mga kuwento tungkol sa nagkahiwalay na magkarelasyon.

Kuwento ng kaibigan namin, “Nu’ng lumabas kami after the wedding, nag-bar hopping kami. Para ngang Manila na ang Cebu, buhay na buhay sila sa gabi, napakaraming puwedeng puntahang bar du’n!

“Para kang nasa Malate, grabe ang aksiyon, may magagaling din silang banda, ang dami-daming tao sa bar! Ikinuwento sa amin ng isang nandu’n na madalas daw magpunta du’n si Lloydie.

“Nu’ng una raw, e, magkasama pa sila ni Ellen Adarna, mamam kung mamam daw sila, pero nu’ng bandang huli, e, si John Lloyd na lang daw ang gumagala sa mga bar!
“Hindi pala nagtatagal si Lloydie sa isang bar lang, talagang ginagalugad niya ang mga bars, mag-isa lang siyang umiinom. At simple lang siya, naka-shorts lang, t-shirt, pero naka-cap siya palagi para hindi raw siya makilala.

“E, maitatago ba naman ang itsura niya? Kila-lang-kilala si Lloydie dahil sikat siya! Kapag marami na raw nakakapansin na nandu’n siya, e, lilipat na naman siya ng ibang bar.

“Ganu’n daw siya palagi, para siyang nakalutang na ewan, basta inom lang siya nang inom na mag-isa,” kuwento ng aming source.

Ilang araw nang hindi napagkikita si John Lloyd sa mga bar sa Cebu.

Maraming nagdududa na bumalik na siya sa Maynila dahil hiwalay na nga sila ni Ellen Adarna.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy