Una sa Balita

Young actor, buking ang ‘kaelyahan’ sa sangkatutak na condom!

By
0 5

Hindi alam ng young actor na ito ang kanyang gagawin noong minsan na mahulog mula sa kanyang bulsa ang isang balot ng condom! Nangyari nga ang insidenteng ito noong bumili ng kape ang young actor sa isang kilalang coffee shop.

Noong babayaran na niya ang nabiling kape, pagbukas niya ng kanyang wallet ay biglang nalaglag ang isang balot ng condom.

Para raw tumigil ng ilang segundo ang mundo ng young actor dahil hindi nga niya mapagkakaila na galing sa kanya ang natu­rang condom. Ang masama pa nito ay may mga nakapila sa likod niya na nakita kunsaan galing ang condom na nalaglag.

Hindi nga raw alam ng young actor kung pupulutin ba niya ang condom o iiwan na lang niya?
Na-quote pa naman ang young actor na hindi siya naniniwala sa pre-marital sex dahil pro-life daw siya. Pero siyempe, kukuwestiyunin na siya ng marami dahil nga sa condom na nalaglag mula sa kanya.

Pinulot ang condom ng security guard ng naturang coffee shop at inabot ito sa young actor. Nag-thank you naman si young actor kahit na tila nahihiya ito.

Noong palabas na si young actor, natawa na lang ito sa narinig siyang nagsabi na: “At least, he practices safe sex. Pero bakit iyon ang brand ng condom niya? Pinakamura ‘yon, eh.”