Una sa Balita

Young actor binastos, sinigawan ang nanay ni young actress

Kaya nabuwag ang love team

By
0 2,911

Naloka naman ako sa kuwento ng isang source tungkol sa totoong dahilan kung bakit umayaw na ang isang young actress na produkto ng isang mala­king bahay sa kanyang ka-love team.

Gusto raw kasi ng kapareha ni young actress na kapag nasa public sila ay maging sweet sila sa isa’t isa. Eh, wala naman silang relasyon at pure love team lang naman ‘yung sa kanila dahil nga sila ang gina­wang magkapareha after nilang lumabas sa mala­king bahay, kaya ayaw ni young actress na magpa­kita sila ng extra sweetness kapag nasa harap ng mga fan.

Pero si lalaki raw, iba ang gusto. Nag-dialogue pa raw ito na dapat lang silang maging sweet kapag nakikita ng mga fan dahil ‘yon daw ang ginagawa ng isang famous love team kaya kinikilig ang mga fan at sikat na sikat ang love team na ‘yon.

Pero ‘yung sikat na love team naman kasi, mukhang may relasyon talaga at hindi pa nga lang inaamin, pero ang magka-love team na ito na galing sa mala­king bahay ay wala namang relasyon at ni hindi pa willing si young actress na magpaligaw, huh!

Eh, sa isang guesting­ nila, hinawakan pala ni la­laki ang beywang ni young actress at sobrang nagpaka-sweet para kiligin ang mga fan, kaya after na mai­salang sila, iyak nang iyak si young actress.

Nakita ng kanyang nanay ang pag-iyak ni young actress at dahil ang ka-love team lang naman ang hu­ling kasama, tinanong ni nanay si lalaki at pasigaw raw na nag-dialogue ito na ni hindi niya type ang anak ni nanay at dapat lang silang maging sweet sa harap ng mga fan para sumikat ang love team nila.

Shocked daw si nanay sa ginawa ni lalaki. Nang makarating daw sa tatay ni young actress ang ginawa ng ka-love team kay nanay, nagdesisyon na raw ang mga ito na magreklamo sa management team nila at buwagin na lang ang love team na ‘yon.

“The height ang ginawa ng lalaking ‘yan, binastos niya pati ang nanay ni (pangalan ni young actress), kaya ayaw na talaga siyang maka-love team pa!” sabi ng isang aktres na malapit na malapit kay young actress.

Dating sexy actress problemado sa non-showbiz husband

May ilan akong alingasngas na naririnig – hindi raw ba maligaya si dating sexy actress sa kanyang married life dahil parang problematic ang hitsura niya lately?
Wala rin daw masyadong ikinukuwento si dating sexy actress tungkol sa kanyang non-showbiz husband.

Puro tungkol lang sa anak niya ang ikinukuwento ni dating sexy actress.

Nang makita ko sa isang birthday party si dating sexy actress, hindi ko siya namukhaan kaagad dahil nga sa hitsura niya na mukhang problematic. May pinagdadaanan kaya ang married life ni dating sexy actress?

Buti na lang, gumaganda na uli ang kanyang showbiz career at may regular TV show pa siya sa isang top TV network, kaya bukod sa anak ay puwedeng mag-concentrate rin si dating sexy actress sa kanyang career kung sakali ngang tama ang duda ng iba na problematic siya sa kanyang married life, huh!

Sayang, marami pa naman ang nag-aakalang todo na ang kaligayahan ni da­ting sexy actress, huh!

Barbie naakit sa abs ni Derrick

Dahil kilala sa pagkakaroon ng magandang abs, asahan na maraming eksena si Derrick Monasterio sa bagong romantic-comedy series ng GMA 7 na magpa-pilot telecast mamaya, ang Inday Will Always Love You, na magpapakita ng kanyang katawan.

May isang eksena nga siya sa Inday Will Always Love You kung saan ay na­dumihan siya ng kapareha niyang si Barbie Forteza, kaya naghubad siya ng damit!

Teka! Naa-attract din kaya si Barbie sa abs ni Derrick kahit Pambansang Abs din ang bansag sa boyfriend niyang si Jak Roberto?
Well…