Una sa Balita

You Never Know pipintahan ngayon

0 331

MAKIKILATIS ang tikas ni You Never Know pagsabak niya sa PHILRACOM-RBHS Class 4 Split (16-21) ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Sasakyan ni class B rider Jericho Serrano si You Never Know na patok sa mga karera tipster ng programa ng karera.

Pero marami pa ring kokontra kay You Never Know, isa na rito ang beterananong karerista na si Rodolfo Balansag na taga-Tayuman.

“Hindi naman kagalingan si You Never Know medyo maganda lang ang tiyempo niya pero 50-50 siya diyan sa grupo na ‘yan,” hayag ni Balansag.

“Sa palagay ko ‘yung Looksmart at Humble Submission ang malaki ang tsansa ring manalo.”

Ang ibang kalahok sa event na may habang 1,400 metro ay sina Pinky’s Magic, Kingwash Striker, Taal Volcano, Wind Spirit at Steely Dan.

Nakalaan ang P10,000 para sa winning horseowner, inisponsoran ito ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM).

Si You Never Know ay pag-aari ni top horse owner Atty. Narciso O. Morales. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy