Una sa Balita

You are ‘GOLD’ Hidilyn!

0 236

ISANG magandang araw sa inyo YANGsters!

Gusto kong bigyang-pugay sa ating kolum ngayong Linggo ang walang kupas at hindi nagsasawang patuloy na bigyan ng karangalan ang Team Pilipinas, walang iba kundi ang aking idol at kaibigan na si Ms. Hidilyn Diaz.

Nitong Biyernes ay muling binuhat ni Diaz ang watawat ng Pilipinas nang masikwat ang 2 bronze medal sa 2019 International Weightlifting Federation World Championships sa Pattaya, Thailand.

Binuhat ni Diaz ang 93kgs. sa snatch, 121kgs. sa clean and jerk para isumite ang total lift na 214kgs. sa women’s 55kgs. division.

Dahil sa kanyang latest performance, mula sa 11th place sa nakalipas na World Championship, ay biglang akyat sa top 3 ngayon si Diaz.

Ang nasabing World Championship ay isang Olympic Qualifying tournament para sa 2020 Summer Olympic Games sa Tokyo, Japan na naging dahilan para gumanda ang tsansa ng ating kababayan na gumawa ng kanyang 4th Olympic return sa susunod na taon.

Sino nga ba ang makakalimot nang burahin ni Diaz ang 20-year medal drought ng Pilipinas sa quadrennial meet nang magwagi siya ng silver medal noong 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil?

HISTORY!

Flex ko lang din at gustong pasalamatan ‘yung mga tumulong kay Diaz sa labang ito na gaya nga sa kanyang social media post ay hindi lang kanyang laban kundi laban ng Pilipinas.

Salamat sa napakabuting Chairman William Ramirez ng Philippine Sports Commission (PSC) sa walang sawang pagsuporta kay Diaz at sa buong Philippine Weightlifting team sa kakatapos na World Championship, sa MVP Sports Foundation, sa Phoenix Petroleum Philippines at sa iba pang government at private sectors na tumutulong para sa ating ipinagmamalaking Olympian.

Kayong lahat ang tunay na #LODI dahil kung wala kayo ay walang mag-iinspire kay Diaz at sa iba pang atletang Pilipino na lumaban para sa Pilipinas at patuloy na mangarap na mabigyan ang Team Philippines ng kauna-unahang gintong medalya sa Olympics!

Mabuhay po kayo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy