Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yorme kabado sa akting ni JD

0 231

Kinuwento ni JD Domagoso na mas kinakabahan pa raw ang kanyang ama, si Manila City Mayor Isko Moreno, sa kanyang unang teleserye na First Yaya.

Pero todo raw ang suporta ni Yorme sa showbiz career ni JD. May tiwala raw ito na kakayanin ni JD ang mga pagsubok ng pinasok nitong career.

Mas inaalala raw ni JD ang kanyang inang si Diana na tutol sa pag-aartista niya.

“There is a bit of hesitation on my mom’s side because siyempre mami-miss niya ako. Mommies, you know, get to worry a lot. But my dad, wala naman. He trusts me na siguro na kaya ko ito. Ito nga ang pinasok kong job na gusto ko so he’s not gonna be worried for me that much anymore kasi it’s already been a long time,” sey ni JD.

Ka-loveteam ni JD sa First Yaya ay si Cassy Legaspi. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.