Una sa Balita

Ynna Asistio nagkabuhol-buhol ang bituka

0 676

Humiling ng dasal si Yssa Asistio para sa kanyang kapatid, ang aktres na si Ynna Asistio, dahil sa dumapong sakit dito ilang araw na ang nakakaraan.

Nagtamo ng isang rare medical condition si Ynna na kung tawagin ay volvulus na umaatake sa kanyang abdomen. Nakaranas nga raw si Ynna ng pananakit ng tiyan nang higit sa limang oras bago nila ito itinakbo sa ospital.

Ayon sa Wikipedia: “Volvulus is when a loop of intestine twists around itself and the mesentery that supports it, resulting in a bowel obstruction. Symptoms include abdominal pain, abdominal bloating, vomiting, constipation, and bloody stool.”

Kailangan daw dumaan sa isang open surgery si Ynna bago pa raw magkaroon ng anumang komplikasyon ang kanyang sakit ngayon.

Heto ang dasal ni Yssa na pinost niya via social media:

“Hello, please pray for Alynna Alexandra Pia Asistio we rushed her last night sa ER… Naghospital hopping po kami kagabi kasi halos lahat ng ospital sa Marikina at Antipolo punong-puno, walang kama, walang available… Napa-blood test, urinalysis namin siya clear po lahat… Na-rule out yung appendicitis but as of now, she was diagnosed with ‘Volvulus…’ Nag swirl-swirl ang intestines niya it might lead to an open surgery. Please, please pray for her.”

Pero sa sumunod na post ni Yssa, medyo nabawasan na ang worry nito sa kapatid dahil hindi na raw ito dadaan sa isang open surgery.

“Thank you everyone for praying for Alynna Alexandra Pia Asistio. She is still under observation. May pain pa rin sa abdomen pero hindi na katulad kahapon. Hindi pa rin ma-identify kung ano talaga sakit niya… Pero guys iba pa rin ang natutulong ng prayers kasi sabi kanina bago kami umuwi inaalis na nila surgery sa option ng treatment niya. Thank you, Lord!”

Naunang mag-post sa Facebook ang ina ni Ynna na si Nadia Montenegro at humiling ito ng dasal para sa kalagayan ng kanyang anak.

“My ‘faith’ is stronger than my fear! God is our healer! You will be ok baby. I love you so much! Pls pray for ynna. She was diagnosed with ‘Volvulus’ a rare condition involving twisting of the small intestines. No medicines and only a major surgery can cure. I know God is watching over her. She will be transferred now via ambulance from marikina to another hospital today for immediate surgery. Pls keep her in your prayers. Thank you!” (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy