Una sa Balita

Yilmaz ‘di imbitado sa b-day party ni Lorin

0 442

abante-anything-goes-jun-lalinAlam mo, Dondon, parang hindi ako sanay na almost a week na hindi nakakatsikahan si Annabelle Rama, huh! Aba, tahimik si Bisaya at hindi tumatawag lately.

Si Ruffa Gutierrez tuloy ang palagi kong katsikahan.

“Busy yata si Mommy. She’s doing a lot of things. Inaasikaso rin niya ang ibang details about Lorin’s Sweet 16 birthday party,” sey ni Ruffa.

Palagi kong binibiro si Bisaya na si Lorin Gutierrez ang favorite apo niya, kaya knowing her, hindi nakakapagtakang bi-sing-busy nga siya.

Actually, sa lahat naman ng events ng kanyang pamilya, palaging si Bisaya ang abala kesehodang may party planner na silang kinuha, hindi puwedeng sitting pretty lang siya, at siya talaga ‘yung aligaga sa lahat ng mga detalye, na in fairness naman ay very appreciated naman ng kanyang pamilya, huh!

Dahil sa pagiging maasikaso nga ni Bisaya kaya naman bawat event nila ay successful talaga at even si Ruffa naman, aminado sa bagay na ‘yan, ‘noh?!
Matinding stress naman ang nararamdaman ni Ruffa para sa Sweet 16 birthday party ni Lorin dahil sa August 31 na ‘yon. So, may escort ba ang kanyang panganay?
“Hello it’s not her debut. LOL. Ako ang escort ni Lorin. Hahaha!” sey ni Ruffa na mukhang “mahigpit” pa rin sa anak pagdating sa boys, huh!

Pero in fairness to Lorin, mukhang behaved pa naman ang bagets pagdating sa bagay na ‘yon!

Teka! Invited ba ang tatay na si Yilmaz Bektas?

Nasasabi kasi ni Lorin na may contact siya sa kanyang tatay, baka inimbita naman ito ng kanyang panganay?

“He’s not invited. Hello! We can manage on our own without him,” sey niya.
Paano kung i-surprise ni Yilmaz si Lorin?

“No it’s best to have a stress-free, drama-free happy birthday party,” sey niya, na tama naman.

Saka tama lang naman na ‘yon ang maging sagot ni Ruffa dahil baka isipin naman ng iba na umaasa pa nga siya na darating si Yilmaz.

Pero knowing her din, even si Bisaya at ang pamilya Gutierrez, eh, biglang i-surprise ni Yilmaz si Lorin, magiging welcome naman ito sa event na ‘yon, huh!

Ikinuwento naman ni Ruffa na 150 ang guests sa Sweet 16 party ni Lorin. Kalahati raw roon ay mga kaibigan ni Lorin at kalahati ay mga kaibigan niya at ng kanyang pamilya.

Panay nga ang check ni Ruffa kung sino-sino ang makakarating at kung sino ang hindi. They will be strict daw sa guest list.

Pati ninongs at ninangs ni Lorin, sinisigurado ni Ruffa kung makakarating o hindi.

Talagang mararamdaman mo nga kay Ruffa na ginagawa niya ang lahat para siguradong maging big success ang big event na ‘yon ng kanyang panganay.

“Siyempre with the help of Mother Dear (who else but Tita Annabele), Mond and the whole family.

“Ang dami ring mga tumutulong, kaya after the party, magiging busy rin kami para pasalamatan ang lahat!” sey niya.

Actually, ako mismo, sobrang excited sa Sweet 16 birthday party ni Lorin dahil nang samahan ko nga sila sa food tasting (which is my forte dahil obvious naman sa katawan ko. Hahaha!) ay sobrang sarap ng mga kinain namin, plus the fact na tutok si Raymond doon (na ang galing sa mga event), for sure, sobrang exciting ‘yon!
Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy