Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Yeye nabingwit ng Petro Gazz

0 194

PATULOY sa pagpapalakas ang kampo ng Petro Gazz Angels bago ang 2022 Premier Volleyball League Open Conference sa susunod na buwan.

Nitong Miyerkoles, inanunsiyo ng Petro Gazz ang kanilang pagsungkit kay middle blocker Mariella ‘Yeye’ Gabarda, huling humampas para sa PLDT Home Fibr Hitters sa nagdaang 2021 PVL Open Conference.

Si Gabarda ang bagong recruit ng Angels kasunod ni Nicole Tiamzon at nagbabalik na mga manlalaro ng koponan na sina Jonah Sabete, Djanel Cheng at Cienne Cruz.

Matatandaan na nagtapos bilang third placer ang koponan noong 2021 PVL Open Conference at Philippine National Volleyball Federation Champions League.

Samantala, pinaplano ng PVL na simulan ang panibagong Open Conference sa Pebrero 16. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.