Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-7 na labas

“G-GLENN!” nagulat siya sa hindi inaasahang pagbisita ng lalaki. Agad niyang pinahiran ang pawis na hindi niya napigilang tumagaktak sa sariling noo.

Para kay Glenn, hindi nabawasan ang ganda ng dalaga maski pa mukhang pagod na ito.
“H-hi! Naistorbo ba kita, mukhang busy ka?”

“Ah, medyo, actually naglalampaso ako, pero ‘lika tuloy ka!”

“Thank you… para sa’yo.” Sabay abot ni Glenn ng bulaklak sa dalaga. Isang boquet ng fresh red roses.

“Glenn, hindi mo naman kailangang palaging magbigay ng bulaklak, baka masanay ako niyan!” nakangiting sabi ni Charlotte.

“Okay lang, way ko lang ito ng pakikipagkaibigan.”

Pumasok na ang binata sa loob at naupo sa sofa. Inilagay naman ni Charlotte ang bulaklak sa isang vase. At pagkatapos ay iniligpit na ang panglampasong basahan.

“Sandali lang ha, teka ano bang gusto mo juice, coffee, softdrink or tea?”

“Lahat ba niyan available?”

“Oo, magkaiba kasi kami ng hilig ni Wilma,juice at coffee ako, softdrink at tea naman ang kanya. Kaya nag-stock kami pareho.”

“Sige, ‘yung gusto mo na lang, juice.”

Pagbalik ni Charlotte ay dala na nito ang isang baso ng juice.

“Glenn, iwan muna kita sandali ha, haggard na kasi ko, retouch lang ako ng konti, nakakahiya naman sa’yo.”

‘Sige, okay lang. Actually maganda ka pa rin naman.”

Napangiti si Charlotte sa sinabi ng binata. Pero wala namang babae ang gugustuhing humarap sa kahit na sino sa haggard niyang hitsura.

Habang hinihintay ang dalaga ay inilinga ni Glenn ang mata sa paligid. Napako ang mga mata niya sa magandang photo frame ni Charlotte na nasa ibabaw ng isang divider katabi ng photo frame ni Wilma. Close up shot iyon ng dalaga na matipid ang ngiti. Larawan ng isang inosenteng babae na tila nahihiya sa mundo.

Napangiti si Glenn.

Related Posts

“O anong ngini-ngiti mo diyan?” nakangiti ring tanong ni Charlotte nang maabutan niya ito.

“Maganda kasi ang kuha mo sa picture na ‘yon.” sabay turo ni Glenn sa frame.

“A ‘yan ba, selfie ko lang ‘yan, tapos pinalakihan ko at nilagay ko sa frame. Thank you kung nagandahan ka. Siyanga pala, bakit ka nga pala napadalaw?”

“kailangan ba talaga may reason, hindi ba pwedeng gusto lang kitang makita?”

“At least reason pa rin ‘yon pero ano nga, seryoso?”

“I’m serious, aayain sana kitang magsimba kung available ka, kaya lang tinanghali ako ng gising kaya naisip kong dalawin na lang kita.” Nakangiting sabi ni Glenn.

“Actually nakapagsimba na ako kanina pang umaga. Pero alam mo meron pa namang misa sa hapon, kung gusto mo samahan na lang kita?”

“Talaga?”

“Talagang-talaga!”

Nagkasundo nga ang dalawa. Pero dahil sa maaga pa para sa panghapong misa ay nag-isip muna sila ng ibang magagawa sa loob ng condo.

“Alam mo hindi ako masyadong marunong nito pero try ko ang best ko ha!” si Charlotte habang nag-uumpisa sila sa paglalaro ng chess.

“Ako, kung hindi mo naitatanong e magbubuhat na’ko ng sarili kong bangko, marami na akong nakuhang medals dahil sa larong ito kaya i-expect mo na, na matatalo kita!” pagmamalaki na may halong birong ani Glenn.

“Ganern? Sige, sige, tingnan natin!”

Habang nakikipag-chess ay panay ang nakaw ni Glenn ng sulyap sa dalaga. Para sa kanya ito ang mukhang hindi niya pagsasawaang titigan. At dahil sa wala sa laro ang concentration niya ay…

“Checkmate!” sigaw ni Charlotte.

“Ha? pa’no nangyari ‘yon?” gulat pang tanong ni Glenn.

“Ang gara mo naman eh, siguro nagpatalo ka talaga para mapagbigyan ako?”

“Hindi no, nakatsamba ka lang talaga!”

“Ah tsamba, sige ulitin natin!” dagdag na biro pa ng dalaga. (Itutuloy)