Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 561

Ika-6 na labas

Nang sumunod na araw ay nagsimula nga si Charlotte sa isang kuwento na ngayon pa lang niya masusubukan. Limang taon na rin siyang pocketbook writer, mula pa noong 20 years old pa lang siya ito na ang naging part time job niya at nakatulong sa kanya para matapos niya ang kursong HRM. Sa dami na nga ng istoryang nagawa niya ay hindi pa niya nasusubukang gumawa ng tungkol sa isang reincarnation.

Habang nakaharap sa laptop ay nakaramdam ulit ng pananakit ng ulo si Chralotte. At muli ay sumasalit sa utak niya ang mukha ni Glenn. Malungkot ang mukha nito sa pagkakataong iyon. Pumikit ang dalaga at lalong naging malinaw sa isipan niya ang mukha ng lalaki.

Abante Hiring – IT dep

Dumilat siya at pagkuwa’y tinungo ang lababo at naghilamos. Kahit alam niyang hindi dapat siya nagbasa ng mga mata dahil babad na sa laptop ang mga mata niya pero ginawa niya pa rin para lang subukang maalis sa isip ang imahe ng binata.

Hindi niya alam kung ilang beses siyang pumikit dumilat pero tila pandikit na nakapagkit sa utak niya ang mukha ni Glenn. Ang ipinagtataka niya ay wala naman siyang nararamdaman para rito, sigurado siyang hindi siya inlove pero bakit ayaw maalis sa isip niya ang binata at hanggang sa panaginip ay nakikita niya ito?

“Bes, kung gusto mo kumunsulta tayo sa psychiatrist o kaya sa espiritista, baka kasi kaso nga ito ng isang reincarnation!” suggest ni Wilma habang kumakain sila sa restaurant mismo ni Charlotte.

“Huwag na, nagpatingin na’ko sa doctor, ang sabi epekto lang daw ito ng nangyaring aksidente sa pagitan namin ni Glenn…”

“Talaga? e si Glenn kaya, inookupa rin kaya ng mukha mo ang isip niya at maging sa panaginip niya?” dudang tanong ni Wilma.

Natigilan si Charlotte. Bakit kaya hindi niya tanungin si Glenn… pero nakakahiya naman yata…

Related Posts

“Never mind, iba’t iba lang talaga siguro ang epekto sa tao ng isang pangyayari sa buhay niya,” ani Charlotte.

“Okay, kung ‘yan ang pasya mo e ‘di ‘wag mo na lang pansinin ang nangyayari sa’yo. Deadma na lang. Pero ayos din ang epekto sa’yo ng aksidente no, nagkaroon ka ng instant lover sa panaginip!” panunukso pa ng kaibigan.

Lingid kay Charlotte, laman din siya ng isipan ni Glenn. Pero hindi dahil sa napapanaginipan o sadyang rumerehistro siya sa utak nito, kundi dahil iniisip talaga siya nito.

“Ang ganda pala niya… at mukhang mabait… siguro nga kaya hindi kami nagkatuluyan ni Alicia dahil darating siya sa buhay ko…” kausap ni Glenn sa sarili habang mag-isang umiinom ng beer sa terrace ng bahay niya.

Nabili ni Glenn ang apartment niya sa Maynila sa murang halaga na pag-aari ng isang kaibigan. Nag-iisa lang siyang anak ng mga magulang niyang nakatira sa Laguna Belair. At ang ex-gf niyang si Alicia ay nag-migrate na sa America.

Tumira rin siya dati sa America at naging bisor ng isang bookstore roon pero nag-decide nga siyang mag-stay sa Pilipinas dahil nasa ‘Pinas pa noon si Alicia. Subalit nang makahanap ng trabaho si Alicia sa America ay ito naman ang nagpasyang tumira roon.

Pero nagbago na nga ang isip ni Glenn na sundan pa ang nobya. Dahil sa aksidente na ipinagpalagay niyang sign na hiningi niya kay Lord at dahil sa pagkakakilala nila ni Charlotte ay desidido na ang binata na manatili sa sariling bayan. Interesado siya sa dalaga kaya naman inalam niya ang marami pang bagay tungkol dito.

Nang araw na iyon ay abalang-abala si Charlotte sa paglilinis ng condo unit nila ni Wilma. Umuwi kasi si Wilma sa mga magulang nito sa Batangas dahil Sunday naman at bagong sahod mula sa pinagtatrabahuhan nitong kumpanya. Close ang restaurant ni Charlotte kapag Sunday. Nakapagsimba na rin siya kaninang umaga kaya naman naisip niyang mag-general cleaning para matuwa naman sa kanya ang bff niya pagbalik nito.

Kasalukuyan siyang naglalampaso at super haggard na ang itsura niya nang mapalingon siya sa narinig na tunog ng doorbell. Napilitan siyang tumayo at buksan ang pinto. (Itutuloy)