Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-5 na labas

Nang maiwan ang dala­wa ay nabuksan ang usapan nila tungkol sa nangyaring aksidente sa pagitan nila.

“Bakit hindi ka man lang nagalit sa’kin sa nangyari? inexpect ko kasi na magwawala ka sa galit, idedemanda ako or pababayaran ang kotse mo!” tanong ni Glenn.

“What for? nangyari na at nadisgrasya ka rin naman, I know hindi mo rin ginusto ‘yon diba?”

“Of course, pero kung babalik tayo sa araw na ‘yon, gugustuhin ko talaga na mangyari ‘yon.”

“What? Bakit naman?” kunot-noong tanong ng binata.

“Dahil sa aksidenteng ‘yon nakilala kita.”

Sa sinabi ng binata ay may sumundot na kilig sa puso ni Charlotte. Pero kahit sa sarili niya ay ayaw niyang aminin iyon.

“Mapagbiro ka pala, by the way thank you for the flowers na pinapadala mo sa’kin.”

Bukod sa aksidente ay marami pa silang bagay na napagkuwentuhan. At ang araw na ‘yon ay naging memorable para sa kanila.

Gabi. Muli ay laman ng panaginip ni Charlotte si Glenn. At hindi niya maunawaan kung bakit sa pana­ginip niya ay parang mahal na mahal nila ang isa’t-isa. Sa pagkakata­ong iyon ay isinasayaw siya nito sa saliw ng isang madamdaming tugtog mula sa orchestra.

Nakadantay ang mga kamay niya sa balikat ni Glenn at nakakawit naman sa beywang niya ang mga kamay nito. Nakatitig sila sa isa’t-isa na para bang sila na lang dalawa ang tao sa mundo.

Touch na touch siya sa pagsayaw nila kaya naman hindi niya maiwasang tumulo ang luha.

apaiyak siya sa sobrang saya ng nararamdaman sa puso.

“Charlotte…Charlotte…”

Ang mahihinang tawag na iyon sa pangalan niya ang nagpagising kay Charlotte.

 “Wilma?”

“Yes, ako nga ito, binabangungot ka ba?”

“Bangungot?” napabalikwas ng bangon si Charlotte nang masigurong nagi­sing na nga siya.

“Oo, nakita ko kasing bukas pa ang kwarto mo kaya pinasok na kita, para ka kasing umiiyak, may luha pa sa mga mata mo oh, kaya ginising na kita.”

Natigilan si Charlotte. Ang kaninang nararamdaman sa panaginip ay hindi na niya nararamdaman ngayon.

Related Posts

“Si Glenn…bakit lagi ko siyang napapanaginipan…”

“Kasi naman baka iniisip mo pa rin siya…bes, move on ka na, baka kakaisip mo sa kanya e malungkot tuloy siya ngayon at hindi pa makatawid sa dapat niyang puntahan…”

“Bes, hindi naman si Glenn na boyfriend ko ang tinutukoy ko eh…si Glenn…”

“Si Glenn? Si Glenn!”

“Oo, si Glenn Trinidad.”

“Oh no! sabi ko na nga ba! destiny talaga kayo!”

Naupo si Charlotte at humalukipkip.

“Mula nang mangyari ang aksidente palagi ko na siyang napapanaginipan…at sa panaginip ko parang nagmamahalan kaming dala­wa…”

“Kasi nga destiny kayo! Sign ang tawag do’n!”

“A basta, parang may kakaiba…”

“Teka, may kakaiba ka bang naramdaman noong magkita kayo at mag-date sa restaurant?”

“Date ka diyan! Hindi ‘yon date.”

“Whatever! So ano nga, may kakaiba ba sa heartbeat mo?”

“Wala.” Nagsinu­ngaling si Charlotte, alam niya sa sarili niya na tila may kakaiba nga sa pagtatagpo nilang iyon ng binata. Pero masyado pang maaga para masiguro ang nararamdaman niya.

“Wala? Wala talaga?”

Umiling si Charlotte.

“Bakit hindi mo na lang isulat ang love story nyo ni Glenn, I mean ng bagong Glenn sa buhay mo!”

“Paandar ka na naman eh, wala kaming love story no, at hindi kami magkakaro’n!”

“Okay, e ‘di ganito na lang, simulan mo sa isang mahiwagang panaginip,tapos isa palang reincarnation ang lahat, at ang ending kayo ang magtutuloy ng isang pag-iibigan na hindi nagkaroon ng wakas sa kanilang panahon! O diba?”

Napaisip si Charlotte.

“In fairness, medyo okay ang idea mo, gawin ko na lang siyang pocketbook!”  (Itutuloy)