Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-48 na labas

“She’s a girl!” nakangiting sabi ni Glenn.

“Talaga, kung gano’n Perla ang ipapangalan natin sa kanya?”

“Kung ‘yan ang gusto mo!”

Bumaling si Charlotte sa sanggol na nasa tabi niya.

“Pearl, iyan ang magiging pangalan mo!”

“Wow, ang cute naman ng Baby Pearl namin!”

Ilang araw din ang hinintay ni Rick bago nagpasyang isagawa ang kanyang plano. Gabi. Naalimpungatan si Charlotte. “B-Baby Pearl?”

Nanlaki ang mga mata niya nang makitang wala sa higaan ang sanggol.

“Glenn, gumising ka Glenn!”

“Bakit anong nangyari?” “Si Baby Pearl! Nawawala si Baby Pearl!”

Mabilis silang kumilos. Maging ang Tita Gina nila ay nataranta sa paghahanap sa bata. Lumabas ng bahay si Charlotte, kasunod si Glenn nang maabot pa ng tanaw nila ang papalayong si Rick dala ang bata. Patungo ito sa dalampasigan kung saan naghihintay ang isang motorboat.

“RICK! RICK! IBALIK MO ANG ANAK KO!” nagwawalang sigaw ni Charlotte.

“Charlotte, dito ka na lang susundan ko siya!”

“Sasama ako Glenn!”

Hinawakan ni Glenn sa magkabilang braso ang dalaga.

“Makinig ka sa’kin Charlotte, ililigtas ko si Baby, magtiwala ka! ”

“Pakiusap Glenn, bumalik kang ligtas kasama ang anak natin!”

Related Posts

Dahil kapapanganak pa lang ay napilitan si Charlotte na magpaiwan. Wala siyang ibang magawa kundi ang magdasal. Si Aling Gina naman ay agad humingi ng tulong sa mga kapitbahay. Kaya naman agad may nagpahiram ng bangka.

Tila nakikisimpatya sa nangyayaring kaganapan ang panahon. Hindi ito naging maganda para sa dalawang panig. Nagsimulang pumatak ang ulan. Hanggang sa tuluyan itong bumuhos. Halos magkasunod lang na pumalaot sa dagat ang inarkilang motorboat ni Rick at ang bangkang de motor din na gamit ni Glenn.

“RICK, IBALIK MO ANG BATA! MAMAMATAY SIYA SA LAMIG!” sigaw ni Glenn.

Humigpit ang hawak ni Rick sa anak na nakabalot ng makapal na tela.

“KAYA KONG PROTEKTAHAN ANG ANAK KO GLENN! HINDI NIYA KAYO KAILANGAN!” ganting sigaw ni Rick.

“IYAN BA ANG PAGMAMAHAL NA IPI­NAGMAMALAKI MO KAY CHARLOTTE, MAKASARILI KA RICK!”

“KAYO ANG MAKASARILI, GUSTO NINYONG ANGKININ ANG ANAK KO!”

“PAG-USAPAN NATIN ITO NG MAAYOS­, HINDI NAMIN IPAGKAKAIT SA’YO ANG ANAK MO!”

Kinakabahan na ang tao na inupahan ni Rick na magpaandar ng motorboat. Lumalakas na kasi ang ulan at natatakot siyang sagupain ito.

“Sir, bumalik na lang po kaya tayo?” anang lalaki.

“Idiretso mo lang!” sabay tutok ni Rick dito ng hawak na baril.

Lalong nadagdagan ang takot ng lalaki.

Subalit nawalan sila ng gasolina at nagsimulang tumirik ang bangka. Kinabahan din si Rick para sa anak. Dahil do’n nakakuha ng tiyempo si Glenn para makatawid sa bangka ni Rick.

“Ibigay mo sa akin ang bata Rick!”

“Hindi!”

Agad itinutok ni Rick ang hawak na baril kay Glenn.

“Hayaan mo na kaming makalayo Glenn, kung talagang nagmamalasakit ka sa anak ko! lilipat kami sa kabilang bangka, diyan ka lang!”

Hindi umimik si Glenn. Naghahanap ng tiyempo. (Itutuloy)