Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-47 na labas

Napatayo si Charlotte.

“Alam mong hindi ako papayag, ako ang ina ng bata.”

“At ako ang ama.”

“O sige, kung gusto mo, makikilala ka niya bilang ama, pero sa amin siya titira…”

“Hindi iyon ang gusto kong mangyari,ikaw at ang anak ko…kung ayaw mo, kahit ang anak ko na lang!”

Hindi makapaniwala si Charlotte.

“Rick hindi ito ang pagka­kilala ko sa’yo, kung ipipilit mo ang gusto mo, baka sa korte na lang tayo magkita.”

“Ako pa rin ito Charlotte, kung meron mang nagbago sa ating dalawa ikaw ‘yon…ngayon, gagawin ko ang lahat para makilala at makasama ko ang anak ko, saan man tayo makarating!” pagkasabi niyon ay walang lingon-likod nang lumabas ng opisina ni Charlotte ang binata.

Related Posts

Napahugot ng malalim na buntong-hininga ang dalaga. Nagkamali yata siya ng desisyon.Kung hindi naman niya ito ginawa, baka habambuhay niya itong dalhin sa konsensya niya.

Bagsak ang balikat ni Charlotte nang bumalik sa apartment ni Glenn.

“Honey, anong nangyari?” sinalubong ni Glenn ang nobya at inalalayan sa pag-upo.

“Si Rick…ipaglalaban niya ang anak niya.”

“Ha?…”

“Glenn, bumalik na tayo sa isla, doon ko gustong bunuin ang pagbubuntis ko…gusto ko ring lumayo kay Rick…”

“Honey ‘wag kang mag-alala, poprotektahan ko kayo ni baby.”

Nasunod ang gustong mangyari ni Charlotte. Kasabay noon ay palagi niyang tinatawagan ang mga magulang para i-update ang mga ito sa lahat ng nangyayari sa kanya. Lingid naman sa kanila ni Glenn, nakasubaybay din si Rick. Palihim itong nagpunta sa isla at nangupahan sa isang bahay doon.Gusto ni Rick na masigurong palaging mabuti ang kalagayan ni Charlotte at ng magiging anak nila hanggang sa maisilang ito. Balak niyang kunin ang bata sa anumang paraan at pinaghahandaan na niya ito.

“UHA!UHA!UHA!” Ang ma­lakas na pag-iyak na iyon ng bagong silang na sanggol ay nagdulot ng hindi mapapantayang kaligayahan sa puso ni Charlotte.Ganoon din kay Glenn na nasa tabi niya sa mga sandaling iyon. (Itutuloy)