Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-42 na labas

Subalit kailangan niyang pakawalan ang binata dahil kung hindi niya ito gagawin ay lalalim lang ang sugat na lilikhain niya sa puso nito. Dapat nga ay noon pa niya ito ginawa…

Makalipas pa ang ilang araw.

“Na-miss ko ang larong ito, naalala mo ba sa condo?” nakangiting pag-alala ni Glenn.
“Oo naman! Palagi nga kitang natatalo, ‘di ba?” natatawa ring tugon ni Charlotte.

“Sinasadya ko lang talaga magpatalo no’n!”
Nang biglang matigilan si Charlotte.

“Honey, are you okay?” nag-aalalang tanong ng binata.
“M-medyo nahilo lang ako…”

“Teka, ito na naman ba ‘yung gumugulo sa isip mo, nakakakita ka na naman ba ng mga nakaraan?”

Umiling ang dalaga.
“Hon, mabuti pa pahinga ka muna.”

Tumayo si Charlotte, inalalayan siya ni Glenn.Nang bigla siyang mawalan ng malay at matumba.

“CHARLOTTE!”

Dahil hindi matukoy ni Charlotte ang dahilan ng kanyang pagkahilo, nagpasama siya kay Glenn sa pinakamalapit na doctor sa isla.

“Congratulations , you are two months pregnant!”
Nagulat at nagkatinginan sina Glenn at Charlotte sa harap ng doctor.

Habang palabas sila sa clinic ng doctor ay kapwa silang walang imik. Si Glenn ang bumasag ng katahimikang pansamantalang namagitan sa kanila.

“Honey sandali, hindi ka ba natutuwa?” hinawakan ni Glenn ang dalaga sa braso para mapahinto ito sa paglakad.

“Hindi ko alam Glenn, baka hindi pa lang ako handa, bukod sa hindi pa tayo kasal, nag-aalala ako…”

“Handa naman kitang pakasalan anumang oras Charlotte, pero anong ipinag-aalala mo?”

“Nakalimutan mo na ba Glenn, may nangyari din sa amin ni Rick bago ako bumalik dito, paano kung…”

“Kung siya at hindi ako ang ama ng dinadala mo?”
“Oo…anong gagawin ko?…anong gagawin mo?”

Hindi tumugon ang binata, sa halip ay niyakap niya ang dalaga.

“As long as nandito ka sa tabi ko,kuntento na ako Charlotte…walang mababago sa pagmamahal ko sa’yo…pero ‘wag mong isiping si Rick ang ama ng dinadala mo para hindi ka na mag-alala pa…ako ang ama niyan at wala ng iba, nararamdaman ko…”

Sinuklian ni Charlotte ang yakap ni Glenn. Mas mahigpit kaysa yakap nito.

Gabi. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin dinadalaw ng antok si Charlotte. Naisipan niyang tawagan si Wilma.Sa terrace siya pumwesto para hindi marinig ni Glenn ang pag-uusap nila.

“Sorry bes ha kung naistorbo kita sa ganitong oras ng gabi…”
“May problema ba?”

“Oo eh…wag kang sisigaw ha…”
“Okay, ready na ang teynga ko…”
“B-buntis ako…”
“WHAAAT?”

Related Posts

“Sshhh! Sabi ko ‘wag kang sumigaw diyan diba?”
“E sorry naman, nabigla ako eh, teka kay Glenn ba?”

“Iyon na nga ang problema,bago ako bumalik dito sa isla, pinagsamantalahan ako ni Rick…nakuwento ko na sa’yo sa phone diba?”

“Yes. Gets ko…e di pa-DNA ntin ang baby paglabas!”
“Ang daling sabihin, pero nag-aalala talaga ko.”

“No need naman bes, kasi mahal na mahal ka ni Glenn, saka the fact na inamin mo sa kanya ang nangyari sa inyo ni Rick, I’m sure matatanggap niya ang bata kanya man ito o hindi.”

“Kung malaman ni Rick, matatanggap din ba niya at sa tingin mo hindi siya maghahabol sa bata?”

“Hindi ako sigurado diyan…speaking of Rick, sorry kung nasabi ko sa kanya ang papunta diyan ha, desperado na kasi siya at naawa naman ako, nagbakasakali rin ako na magkakaayos kayo.”

“Okay lang, sige na, tatawag na lang ulit ako.”

Ang totoo ay nababagabag din ang kalooban ni Glenn. Hindi man niya aminin sa sarili, nag-aalala din siya sa dinadala ni Charlotte. Paano kung hindi nga ito sa kanya?

Handa naman siyang tanggapin ito ng buong puso, nalulungkot lang talaga siya sa pangamba na malaki talaga ang posibilidad na hindi ito kanya, dahil sa mga aksidenteng pinagdaanan niya.

Mula sa patalikod na pagkakahiga ay puma­ling si Glenn sa nahihimbing na si Charlotte. Mula nang dumating itong muli sa isla ay magkatabi na silang natutulog sa iisang kuwarto.

Kaya naman ganon na lang ang sayang nararamdaman niya. Pero hindi niya maiwasang mangamba ngayong nagdadalang-tao ito…

Marahang hinaplos ni Glenn ang pisngi ng nobya.Hindi siya nagsasawang titigan ang maamong mukha nito.

Nagising si Glenn na wala na sa tabi niya si Charlotte. Napabalikwas siya at agad nag-alala. Lumabas siya ng silid.

“O Glenn, hinahanap mo ba si Charlotte?”
“Opo tita, nakita mo ba siya?”

“Hiniram niya ang susi ng bahay ni Kuya Gabriel, gusto lang daw niyang tingnan ulit ang painting.”

Pinuntahan ni Glenn ang nobya sa basement. Naabutan niya itong nakaupo sa tumba-tumba na nakaharap sa painting at nakatitig doon.

“Hon…”
Lumingon ang dalaga.
“Gising ka na pala.”

Lumapit si Glenn at hinila ang isa pang upuang kahoy. Itinabi niya iyon sa tumba-tumba at naupo rin sa tabi ng dalaga.

“Saan mo naman nakuha ang tumba-tumbang ‘yan?”

“Ipinahiram sa’kin ni Tita Gina, nakatabi ito sa loob ng kuwarto ng Tito Gabriel mo…”

“Alam mo, natatawa ko at sa totoo lang, hindi ko alam kung anong iisipin ko kapag naiisip kong ako at si Tito Gabriel ay iisa…pero hindi ko maitatanggi na nararamdaman ko na rin siya sa sarili ko ngayon…”

“Posible naman diba, kasi namatay siya nang hindi ka pa pinapanganak…”

“Nararamdaman mo rin ba na ibang tao ka at hindi yung pagkakilala mo sa sarili mo?”

“Mas madalas ngayon kaysa dati…ang lugar na’to, ang bahay na ito…pakiramdam ko pamilyar na pamilyar ako…”

“At ganoon din ako…parang ang tagal ko nang nakatira dito…” (Itutuloy)