Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-40 na labas

“Joke lang, kayo naman hindi na mabiro, mas­yado kasing seryoso­ ang mga mukha n’yo. Ang totoo niyan, natutuwa ako kasi okay na kayo, alam n’yo kasi naniniwala ako na totoong reincarnation kayo nina Kuya Gabriel at Perla, at masaya ako dahil sa pagkaka­taong ito…wala nang hadlang sa pag-ibig n’yo.”

Matapos ang hapunan ay tinawagan ni Charlotte si Chef Drew.

“Ang ibig mong sabihin ilang araw ka na namang mawawala?” ta­nong ni Drew.

“Actually baka hindi lang ilang araw, maybe month or months…”

“What? Pa’no ‘pag hinanap ka ni Rick?”

“Please don’t tell him kung nasaan ako.”

“Tingin ko matutunton ka rin niya diyan…”

“O pa’no, ikaw na muna ang bahala sa business natin ha. Kontakin mo na lang si Wilma.”

“Ano pa nga ba, mag-ingat ka diyan ha, saka siyempre kokontakin pa rin kita, lalo na kapag may problema sa resto.”

“No problem. Ingat din kayo diyan.”

Pagkababa ng phone ay nagulat pa si Charlotte nang bigla siyang yakapin ni Glenn mula sa likuran.

“Anong ginagawa mo rito sa terrace?”

“Tinawagan ko lang si Chef Drew. Ikaw, bakit hindi ka pa natutulog?”

“Makakatulog ba’ko nang wala ka pa sa tabi ko?”

Inalis ni Charlotte ang mga kamay ni Glenn sa beywang niya at humarap siya rito. Ang mga kamay naman niya ang ikinawit niya sa leeg nito.

“Ang muntik mo nang pagkalunod, ang pagsasamantala sa akin ni Rick…nakatakda ba talagang maulit ang lahat ng iyon sa katauhan ­nating dalawa?”

Related Posts

“Siguro nga, ikaw si Perla at ako si Gabriel­…pero kung hindi man nagkaroon ng magandang wakas ang pag-ibig nila, tayo ang magbibi­gay ng katuparan sa ­pangarap nila. Tayo ang katuparan ng kanilang mga pangako.” Matapos sabihin iyon ay ginawaran ni Glenn ng masuyong halik ang dalaga.

Lingid sa dalawa ay tila dinudurog naman ang puso ni Brenda sa kanyang nasaksihan sa mga sandaling iyon. Ang lihim na pagtingin kay Glenn ay hindi na niya mapigilan.

Nagdidilig si Charlotte ng mga halaman ng tiyahin ni Glenn nang lapitan siya ni Brenda.

“Hi!”

“Hi Brenda!”

Lumapit pa ng konti si Brenda at pinanood ang pagdidilig ni Charlotte sa mga halaman.

“Brenda, kumusta ba ang mga binti ni Glenn, tingin mo ba makaka­lakad na siya nang maayos­?”

“Oo naman, actually mula nang dumating ka rito, ang laki ng improvement niya, hindi tulad nu’ng iwanan mo siya, sobrang depressed at palagi siyang hindi uma-attend ng session namin.”

“H-ha, gano’n ba?”

“Kaya kung ako sa’yo, ‘wag ka nang aalis ulit, kasi kapag iniwanan mo siya ulit sisiguraduhin ko sa’yong ako ang papalit sa’yo sa puso niya,” natigilan si Charlotte sa sinabi ni Brenda.

“O, biro lang, ano ka ba, kinabahan ka ba?” nakangiting bawi ni Brenda.

“Hindi. Sobra akong tiwala sa pag-ibig ni Glenn kaya hindi ako kakabahan kahit pa sa biro lang.”

“Okay,” maikling tugon ni Brenda na deep inside ay labis ang pani­bugho sa dalaga.

“GWAAARK!”

Nasapo ni Charlotte ang ulo matapos ang pagduduwal na iyon sa lababo.

“No…hindi pwede ‘to…” sa isip ng dalaga.

“Alin ang hindi pwede?” si Rick.

Nagulat si Charlotte nang marinig ang tinig ng binata. (Itutuloy)