Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 561

Ika-4 na labas

Pero labis talaga ang pagtataka niya sa nararamdaman. Pakiramdam kasi niya ay matagal na niya itong kilala at parang may kung ano na nagbubuklod sa kanila… hindi talaga niya maintindihan!

“Ivan, marunong ka ba talaga niyan? E kung tumawag ka na lang kaya ng totoong mekaniko?” ani Glenn habang nakasandal sa kotse.

Nag-angat naman ng ulo si Ivan mula sa pagkukumpuni ng makina ng sariling kotse.

“Bad trip, kung kailan naman exciting ang lakad natin saka pa nagloko itong pinakamamahal kong kotse !”

Hindi nakatiis, bumaba si Charlotte mula sa taxi at nilapitan ang dalawa.

“G-Glenn Trinidad?” alanganin niyang tawag.

Kunot-noo pero nakangiti si Glenn sa dalaga.

“Do I know you?” tanong ng binata.

“Nu’ng nasa ospital tayo, sinilip kita sa room mo, kaya lang natutulog ka…”

Nagkatinginan ang dalawang lalaki.

“So… ikaw si C-Charlotte?” sabi ni Glenn.

“Yes, Charlotte Avellana!” sabay abot ni Charlotte ng kamay niya kay Glenn.

“Glenn Trinidad!” hindi makapaniwala si Glenn sa kagandahang nasa harapan niya. Simpleng-simple pero malakas ang dating sa kanya.

Sa pagdadaupang ng mga palad nila ay mu­ling naramdaman ni Charlotte ang estrangherong damdaming iyon. At sa isang saglit na pagtatama ng kanilang mga mata ay may kung anong kislap ang sumilay dito.

Nagbitaw sila ng kamay nang sumingit si Ivan para i-introduce rin ang sarili.

“Ehem! by the way I’m Ivan! Charlotte, maniniwala ka ba kung sasabihin ko sa’yo na on the way kami para bisitahin ka?” singit ni Ivan.

“Nice meeting you Ivan, pero, totoo ba papunta kayo sa condo ko?” gulat na tanong ng dalaga.

“Y-yeah, ito kasing si Ivan, he’s very curious about you.” Sagot ni Glenn.

Related Posts

“What? Ako lang ba talaga?” napakamot sa ulong tugon tanong naman ni Ivan.

“Whatever guys pero mukhang hindi kayo makakarating sa’min, it’s because of your car?”

“Oo nga eh, wait lang, tatawagan ko ‘yung kakilala ng friend ko na mekaniko,” Sabi ni Ivan.

“Teka muna Ivan, let me see.” Umikot si Charlotte papunta sa makina ng kotse. Tiningnan ang sira nito at saka pinahawakan ang shoulder bag niya kay Glenn.

“T-teka, anong gagawin mo?” nagtatakang tanong ni Glenn.

“Hindi ninyo naitatanong, mekaniko ang tatay ko sa probinsya, at nu’ng teenager ako, marami akong natutunan sa kanya!”

Muling nagkatinginan ang dalawang lalaki.

Walang anumang ginawa ni Charlotte ang nakitang sira. At maya-maya lang ay…

“Oh my God Charlotte, ang dami ko ng utang sa’yo, pa’no ba’ko makakabawi?” si Glenn.

“No, Glenn, ‘yung banggaan ninyo ng kotse utang mo ‘yon kay Charlotte, but this, since this is my car, ako ang may utang nito sa kanya, kaya why don’t we eat na lang together, treat ko!” si Ivan.

Sa isang mamahaling restaurant sila dinala ni Ivan. Kakaumpisa lang nila sa pagkain nang biglang tumunog ang cellphone ni Ivan.

“Oh no, it’s Gwyneth, hinahanap na naman niya ko!” natatawang sabi ni Ivan.

“Girlfriend mo?” tanong ni Charlotte.

“My long time gf, so pa’no kailangan ko nang umalis.”

“It’s okay. Sige mauna ka na at baka mag-report na naman sa pulis ang gf mo kapag hindi ka niya agad nakita within an hour!” biro ni Glenn.

“Sira ka talaga!”

Bumaling si Ivan kay Charlotte.

“Charlotte, I’m so glad to meet you, at sobra talagang pasasalamat ko sa paggawa mo sa car ko! hope to see you again some other time!”

“Your welcome Ivan, natutuwa rin ako na nakilala kita.”

Isang makahulugang tapik sa balikat naman ang iniwan ni Ivan kay Glenn. Sabay bulong na “push mo ‘yan tol ha.” ngiti na lang ang itinugon ni Glenn. (Itutuloy)