Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 562

Ika-38 na labas

Umaga.

“Breakfast is ready!”

Nagulat si Glenn nang dalhan siya ni Brenda ng almusal sa kuwarto niya. Sinangag, bacon with egg at mainit na gatas ang nakalagay sa tray na dala nito.

“Brenda, you don’t have to do this, therapist kita at hindi kasambahay!”

“I know, pero puwede rin naman itong gawin ng isang kaibigan, ‘di ba?” inilapag ng dalaga ang tray sa side table ng kama ni Glenn.

“Okay, salamat, ikaw nag-almusal ka na ba?”

“Oo, sabay kami ni ninang kanina pa. Pero kung gusto mo sasaluhan pa rin kita!” nakangiting sabi ng dalaga.

“Fine, no problem.”

“Just kidding, para sa’yo lang almusal na ‘yan kaya sige maiwan muna kita, just call me kung may kailangan ka pa.”

Palabas na ng pintuan ang dalaga nang tawagin siya ni Glenn.

“Brenda…”

“Yes?”

“Thank you.”

“Your welcome!” nakangiti nitong tugon bago tuluyang isinara ang pinto ng silid.

Inihahanda na ni Glenn ang sarili para sa next session ng therapy niya nang katukin siya ng tiyahin sa silid.

“Glenn, may bisita ka, hinihintay ka niya sa bahay ng Tito Gabriel mo…”

Kinabahan si Glenn at pumasok agad sa isip niya na baka si Charlotte iyon. Nagmamadali niyang tinungo ang bahay ng tiyuhin. Wala ang bisita niya sa salas. Napatingin siya sa basement at agad siyang bumaba roon.

Related Posts

Nakatalikod si Charlotte at nakaharap sa painting. Marahan ang bawat hakbang ni Glenn palapit sa kanya. Nararamdaman na niya iyon pero nanatili siyang nakatalikod dito.

“Charlotte?”

Huminga muna ng malalim ang dalaga bago sumagot.

“I’m sorry Glenn…”

“Ako dapat ang mag-sorry, ‘di ba?”

“Oo, pero sana tinanggap ko na agad ang sorry mo…at hindi na kita iniwan…”

Tinabihan ng binata ang dalaga at tumingin din ito sa painting.

“Kung nandito ka para maging okay na ang lahat…ano pa bang inaalala mo?”

Tumingin si Charlotte kay Glenn. At sa muling pagtatama ng kanilang mga mata ay tila nabuhay ang mga nalulumbay nilang mga puso.

Kinuha ni Glenn ang kamay ng dalaga at masuyong hinagkan.

“Akala ko hindi ka na babalik…pero ngayong nandito ka na, pwede bang ‘wag ka nang umalis?”

Isang mahigpit na yakap ang naging tugon ni Charlotte. Na sinundan ng isang masuyong halik. Nabigla man ay hinayan ni Glenn na anurin sila ng kanilang mga damdamin. Handa siyang magpatangay sa agos saan man sila nito dalhin.

“Honey…miss na miss na kita…at mahal na mahal pa rin kita tulad ng dati…” bulong ni Glenn sa dalaga habang maingat na hinahawi ang buhok nito.

“Kung gano’n, angkinin mo ako gaya ng dati…” pabulong din na tugon ni Charlotte. Sa isip niya buo na ang kanyang pagpapasya. Sina Perla at Gabriel ay muling magniniig at ito ang magiging bagong simula ng pagmamahalang handa na nilang dugtungan ni Glenn.

“Mahal pa rin kita Gabriel…” tila wala sa sariling nasambit ni Charlotte ang pangalang iyon.
“Mahal na mahal pa rin kita Perla…” tulad ni Charlotte, ang pangalang iyon ay hindi inasahan ni Glenn na lalabas sa kanyang bibig.

Sa kabila noon ay patuloy nilang niyakap ang pagkakataong iyon. Ang mga sandali na kapwa hindi nila inasahang muling magaganap sa kanilang buhay. Sa piling ng isa’t isa.

Muling ipinaubaya ni Charlotte ang sarili sa lalaking tunay niyang minamahal. Saksi ang malaking painting na iyon nina Gabriel at Perla ay pinag-isa nila ang kanilang mga katawan. Sa malawak na sahig ng basement na iyon ay inilatag nila ang kanilang mga sarili. Dinama ang bawat haplos.

Ang halimuyak ng pag-ibig. Isinagad ang nadaramang pagmamahal hanggang sa sabay na marating ang kaluwalhatiang dulot ng purong pag-ibig. (Itutuloy)