Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-33 na labas

Nakita niyang inaabot ng babae ang kamay niya sa kamay ni Glenn, pero hindi iyon mag-abot.

“Charlotte,” mahinang tawag ni Glenn.

Abante Hiring – IT dep

Napalingon ang dalaga.

“Gusto kong malaman ang nangyari sa kanila.”

Hindi naman nag-atubili ang binata na isalaysay rin kay Charlotte ang ikinuwento ng Tita Gina niya tungkol sa dalawa.

“Ginahasa si Perla ng isang mayamang lalaki na binasted niya, dahil daw sa kahihiyan kaya ipinasya ng mga magulang na ipakasal pa rin siya doon, pero mahal ni Perla si Tito Gabriel kaya sa mismong araw ng kasal niya, nagpakamatay siya, at ganoon din daw ang ginawa ng tito ko…nagpakalunod siya.”

Nalungkot ang dalaga sa kuwentong iyon. Isang kalungkutan na mabilis bumalot sa buo niyang pagkatao. Nakakapangilabot ang bugso ng kabang dumaloy sa dibdib. Hanggang sa nakaramdam siya nang pagkahilo at tuluyang nawalan ng malay. Maagap naman siyang nasalo ni Glenn.

“CHARLOTTE! CHARLOTTE!”

Related Posts

Sa loob ng isang silid unti-unting nagkamalay ang dalaga. Sa pagmulat ng mga mata niya ay bumungad sa kanya ang mukha ni Glenn na nakatitig sa kanya.

“G-Gabriel…” pabulong na sabi ng dalaga.

“Gabriel?” napakunot ang noo ni Glenn.

“Glenn…”

“Tinawag mo akong Gabriel…”

Hindi umimik ang dalaga. Sa halip ay muli itong pumikit. Nilapitan ni Ivan si Glenn.

“Alam mo pare sa nakita ko kanina sa basement, parang gusto ko na maniwala na totoo nga ang reincarnation or else may isinisilang lang talaga sa mundo na magkakamukha!”

“Tinawag niya akong Gabriel…” ani Glenn na ang mga mata ay nanatiling nakapako sa dalagang nakahiga sa kama.

“Talaga? Coincindence lang ba ang lahat, matapos kong bayaran si Madam Liweng na papaniwalain kayo sa reincarnation, ngayon heto at totoo nang nangyayari sa inyo? Kapag ikinuwento ko ito sa bayarang espiritista na ‘yon baka pati siya hindi maniwala!” natatawang sabi ni Ivan. (Itutuloy)