Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 562

Ika-31 na labas

Kinabukasan. Iinat-inat pa si Wilma nang mapa-second look it okay Charlotte na tulala sa mesa habang nakatitig sa kape.

“Hoy, bes, anong nangyari sa’yo? Emo ka ba dahil iiwan na kita dito sa bahay mo?”
Umiling ang dalaga.

“Kung hindi ako ang dahilan, malamang may LQ kayo ni Rick?”

Muling umiling ang dalaga.

“Ha? ‘wag mong sabihing si Glenn na naman?”

Marahang tumango si Charlotte.

Nasapo ni Wilma ang sariling noo.

“Bes, akala ko ba moved on ka na?”

“Akala ko rin eh, pero kagabi dumating si Ivan, at sinabi niya kung nasaan si Glenn.”

Nagulat si Wilma, naupo ito sa kaharap na upuan ni Charlotte.

“Really? Saan daw? So anong plano mo, pupuntahan mo siya?” sunud-sunod na tanong nito.

“Sa isang island resort daw, may natuklasan daw doon si Glenn na mahalagang bagay na gustong ipakita sa’kin.”
“What?”

Tumingin si Charlotte sa mga mata ng kaibigan.

“Honestly, hindi ko alam ang gagawin ko eh…paano ko ba siya dapat harapin kapag nagkita ulit kami? Ano ba ang mararamdaman ko? Or baka naman dapat na ‘wag ko na lang siyang puntahan.”

“Okay sige, para matapos na ang problemang ito, sasamahan kita.”

Related Posts

“Huwag na, malapit na ang kasal mo, hindi ka na dapat bumibiyahe nang malayo.”

“Okay sige, pero hindi mo masasagot ang mga tanong mo hangga’t hindi mo siya nakikita, ‘di ba?”

“S-sige, siguro nga dapat ko ngang alamin ang sagot sa mga tanong ko.”

Mavulis Island. Hindi makapaniwala si Charlotte na mararating niya ang lugar na iyon habang sakay sila ng boat na maghahatid sa kanila sa isla.

Doon pa lang ay abot-abot na ang kaba niya. At hindi niya maintindihan, tila isang malaking alon na humahampas sa utak niya ang pagtatampisaw nila sa tubig ni Glenn. Ibang panahon, ibang kasuotan, kakaibang pakiramdam, alam niyang hindi pa iyon nangyari sa buhay niya pero parang nangyari na.
Ipinikit ni Charlotte ang mga mata.

“Charlotte, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong sa kanya ni Ivan.

“Oo…” mahinang-mahinang tugon ng dalaga na nanatiling nakapikit.

Nang muli niyang idilat ang mga mata ay namangha siya sa ganda ng paligid na tumambad sa kanya. Isang napakagandang baybayin. Tahimik, malinis, at buong kapayapaang inaangkin ng karagatan ang yakap ng malamig na hangin.

Habang papalapit sila nang papalapit sa baybayin ng isla ay papalinaw rin nang papalinaw ang imahe ng isang lalaki na nakatayo doon na tila hinihintay ang kanilang pagdaong.

Si Glenn…alam niyang si Glenn iyon…hindi niya namalayan ang mabilis na pagdungaw ng mga butil ng luha sa kanyang mga mata…

Ganoon din si Glenn. Habang parating ang bangkang kinalululanan ng babaeng pinakamamahal ay hindi nito napigilan ang mga luhang kusang nangilid sa mga mata.

Nang makarating na ang bangka at isa-isang bumaba ang mga sakay nito ay umalon ang kaba sa dibdib ni Charlotte. Inalalayan siya ni Ivan sa pagbaba at sa paglapat pa lang ng mga paa niya sa isla ay napako na ang tingin niya kay Glenn. Wala itong imik na nakatitig sa kanya.

Mga titig na puno pa rin ng pagmamahal. Mga titig na tila nagsusumamo na paniwalaan ang tibok ng puso. Hanggang sa hindi na napigilan ni Glenn ang sarili, iika-ika man ay nagmamadali nitong nilapitan ang dalaga at niyakap.

“Honey!” si Glenn.

Hindi malaman ni Charlotte kung gagantihan ba niya ang mga yakap na iyon o itutulak niya itong palayo sa kanya.

Pinili niya ang una. Marahan niyang ikinawit ang mga kamay sa likuran nito. Sabay na umagos ang mga luha ng pag-ibig. Kapwa sabik sa pagmamahal na ipinagkait ng ilang taon. (Itutuloy)