Una sa Balita

Yesterday’s Reflections

By
0 557

Ika-30 na labas

“Anong balak mo ngayon?”

“Hindi ko pa alam, gusto ko siyang makita, gusto kong makita rin niya ang nakita ko! Ang natuklasan ko!”

“Okay, sige, tutulungan kita.”

“Talaga, pare?”

“Alam mong hindi gano’n kadali, tol, limang taon mo siyang inabandona, pero susubukan ko pa rin ang makakaya ko.”

“Salamat, Ivan, salamat talaga!”

Restaurant.

“Chef Drew, kailangan ko nga palang umuwi ng maaga, may date kami ni Rick.”

“As usual, basta bukas pumasok ka ng maaga ha, sa Manila branch ako, may sakit daw si Chef Linda eh.”

“No problem, kailangan ko kasing bumawi kay Rick!”

Matapos ayusin ang sarili ay agad ding umalis ng restaurant ang dalaga. Siyang dating naman doon ni Ivan.

“O, Ivan, anong ginagawa mo rito? Kaaalis lang ni Charlotte, may date sila ni Rick,” si Chef Drew na hinarap si Ivan na naghihintay sa isang table.

“Gano’n ba?”

“Oo gano’n na nga, bakit may kailangan ka ba sa kanya?”

“Oo sana eh, importante lang.”

“Alam mo gusto ko sanang ibigay sa’yo yung number kaya lang bilin niya na wala akong pagbibigyan ng CP number niya maski kanino.”

“Hindi, okay lang, pupuntahan ko na lang siya sa bahay niya.”

Pero wala sa bahay si Charlotte. Kasama niya sa isang crusin date si Rick. Isang desisyon kasi ang napagpasyahan niya. At iyon ay ang kalimutan na si Glenn. Oo nga’t umasa siya sa sinabi ni Madam Liweng na babalik si Glenn, pero may bahagi ng puso niya na gusto nang sumuko. Pagod na kasi siyang masaktan at naaawa na rin siya kay Rick sa buung-buong pagmamahal na inaalay nito sa kanya.

“Sweetie! Akala ko hindi ka na darating eh!” masayang sinalubong ni Rick ang nobya.

“Sorry ha, na-traffic kasi ako.”

Related Posts

“Okay lang, at least nandito ka na.”

Matapos magpabalik-balik sa bahay ng dalaga, sa wakas ay natiyempuhan rin ni Ivan si Charlotte. Bumaba ang dalaga mula sa kotse ni Rick.

“Ivan?”

“Good evening, Charlotte!”

Napatingin si Charlotte kay Rick na lumabas din ng kotse.

“Rick, pwede ba kaming mag-usap?”

Makahulugan ang tinging ibinato ni Rick kay Ivan bago ito tumango sa dalaga.

“I’ll go ahead, just call me kung sakali mang magkaproblema.”

“Don’t worry, Ivan is a friend.”

Hinagkan pa ni Rick sa pisngi ang nobya bago ito tuluyang sumakay sa kotse at umalis.
“Ivan, anong ginagawa mo rito?”

“Hindi mo ba ako tatanungin kung may balita ako kay Glenn?”

Saglit na natigilan ang dalaga, pero…

“Ilang beses na kitang tinanong noon, sa ngayon okay na’ko, buo na ang desisyon ko na mag-move on kasama si Rick. Kaya kung pwede sana umalis ka na, hindi na ako interesado sa anumang sasabihin mo tungkol sa kanya.”

“Charlotte, ‘yan ba talaga ang gusto mong sabihin sa’kin ngayon?”

Hindi sumagot si Charlotte.

Nilapitan ni Ivan ang dalaga.

“Makinig ka sa’kin Charlotte, importante ang sasabihin ko. Nasa isang island resort si Glenn, at meron siyang napakahalagang bagay na natuklasan at gusto niyang ipakita iyon sa’yo, willing akong samahan ka papunta doon.”

Nabigla si Charlotte. Bakit kung kailan nakapagpasya na siya ay saka naman darating ang ganitong pagkakataon? Bakit bigla na lang niyang matatagpuan ang tao na kaytagal niyang hinintay na magbalik sa buhay niya? Bakit sa kabila ng ipinangako sa sarili na kakalimutan na niya ito ay tila buong pananabik niyang inaasam na makita itong muli? Palalampasin ba niya ang pagkakataon na idinudulog sa kanya ngayon ni Ivan?

“Okay, hindi kita minamadali or pinipilit, just think about it, take your time, iiwan ko lang sa’yo ang bago kong number para kung sakaling magbago ang isip mo tawagan mo lang ako,” ani Ivan.

“Hindi ba pwedeng sabihin mo na sa akin nga­yon kung ano ang napakahalagang bagay na ‘yon?”

“Hindi pwede eh, kasi maski ako hindi ko yata mapapaniwalaan ‘yon, unless na makita ko ‘yon sa harapan ko mismo.”

Alam ni Charlotte na hindi niya mapipilit ang lalaki kaya hinayaan na lang niyang makaalis iyon na palaisipan sa kanya ang mga sinabi. (Itutuloy)